Maricel umaming napariwara ang buhay: Masalimuot, madilim at mag-isa ka lang | Bandera

Maricel umaming napariwara ang buhay: Masalimuot, madilim at mag-isa ka lang

Ervin Santiago - September 16, 2021 - 12:21 PM

Maricel Soriano

NAGPAKATOTOO ang Diamond Star sa harap ng madlang pipol nang aminin niya ang mga kasalanan at pagkakamaling nagawa niya noon sa kanyang buhay.

Hindi napigilan ng award-winning actress ang maluha habang nagkukuwento tungkol sa mga pinagdaanan niyang challenges ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sa kauna-unahang YouTube vlog ng movie icon, diretsahan niyang sinabi na totoong napariwara ang buhay niya noon dahil sa mga sablay na desisyong ginawa niya.

Nagsimula raw masira ang kanyang buhay nang mamatay ang kanyang inang si Rosalinda Dador Martinez noong July, 2009 sa edad na 65, dahil sa cardiac arrest.

“Hindi ko matanggap. Nakalimutan kong mag-escape. Ibang escape ang napuntahan ko. 
“Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung wala yung nanay ko.

“Napunta ako sa escape na gloomy, masalimuot, madilim. Mag-isa ka lang. Hindi maganda. Malungkot ako para sa sarili ko,” pahayag ni Maricel sa simulang bahagi ng kanyang vlog.

Ngunit sa kabila ng lahat ng kanegahang nangyari, thankful pa rin ang Diamond Star dahil nagawa pa rin niyang makabangon mula sa pagkakadapa.

“Hindi ako magiging ganito kung hindi ko dinaanan ‘yon. Naiiyak ako dahil hindi talaga maganda ang pinuntahan ko,” aniya pa.

Pag-amin pa ni Maria, bigla siyang natauhan nang makitang worried na ang  dalawa niyang anak na sina Marron at Sebastien. Si Marron ay ang kanyangbadopted son habang si Sebastien ay anak niya sa dating karelasyong politiko na si Cesar Jalosjos.

“Kaya nahihiya ako sa mga anak ko. Worried na worried sila sa akin. Du’n na ako nag-umpisang magising. Inayos ko ang sarili ko, tinulungan ako ng mga kaibigan.

“Gusto ko talaga umalis na doon sa dark place na iyon. Kasi kailangan gusto mo, e. Kasi kung ayaw mo, kahit anong gawin ng lahat ng tao, hindi mangyayari.

“Tinatanong ko kung kaya ko pa bang makabalik (sa mundo ng showbiz). Pababalikin pa ba ako? Bibigyan pa ba ako ng chance? At yun, nakabalik naman ako,” kuwento pa ng aktres.

Abot-langit ang pasasalamat ng Diamond Star sa lahat ng tumulong sa kanya para makabalik at mabigyan ng second chance sa showbiz.

Kabilang na rito sina ABS-CBN chief operating officer for broadcast Cory Vidanes, Biboy Arboleda, Dreamscape Entertainment consultant at ang yumaong box-office director na si Wenn Deramas na siyang nagdirek ng comeback movie niyang “Momzillas” at “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” noong 2013.

Nakagawa naman siya ng dalawang teleserye sa ABS-CBN, ang “The General’s Daughter” (2019) at “Ang Sa ‘Yo Ay Akin” (2020-2021).

“Nagpapasalamat ako dahil naiintindihan niyo ako kung saan ako nanggagaling. Nagsabi ako ng totoo. Wala akong itinago. Aakuin ko ‘to kasi ako ang may gawa nito. I let it happen,” pahayag ni Maricel.

Itinodo na rin daw niya ang paghingi ng tulong sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo tungkol sa sitwasyon niya noon, “Gagawa ka ng salita na may kasamang kasinungalingan, hindi magiging buo ang pasok nu’n.

“Gawin mo ang tama. Gagawa ka rin naman, gawin mo nang tama. Dapat maliwanag ang pakikipag-usap. Hingan ng patawad. Nagkamali ka, e.

“Aminin mo yung totoo. Sabihin mo yung dapat na kailangan nilang marinig. Itodo mo na, pati pamato,” sey pa ng aktres.

Inamin din niya na may mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin siya matanggap dahil sa mga nagawa niyang sablay noon.

“Ayaw nila akong maintindihan. May tao kasing gusto kang  maintindihan. They go out of their way to really know what transpired, what happened. They want to understand.

“But a lot of people, mas madami yung hindi nila gustong maintindihan. So, ayaw ka na nila. Okay lang. Kasalanan ko naman, e. Sanay naman ako sa life ko na alam ko hindi lahat ng tao gusto ka,” sabi pa ni Maria.

Samantala, sa huli ay nasabi ng aktres na matagal din daw bago niya na-realize ang mga pagkakamaling nagawa niya.

“It took two to three years bago ko napatawad ang sarili ko. Matagal. ‘Bakit ba ganu’n ka, Mary, bakit ba hindi ka natututo?’ Ang tagal and, finally, natuto na.

“It’s my choice. I did it for my boys. Wala naman silang kasalanan dito, di ba? Ba’t kailangan ko silang parusahan ng ganito? Hindi nila deserve.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If you really want to change, you can. If you want. If you don’t like, that’s up to you. If you want to prolong, then it’s really up to you, di ba?” lahad pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending