Roderick Paulate ipinagtanggol ni Cristy Fermin: Hindi po puwedeng basta na lang siya pagbibintangan ng ganyan! | Bandera

Roderick Paulate ipinagtanggol ni Cristy Fermin: Hindi po puwedeng basta na lang siya pagbibintangan ng ganyan!

Reggee Bonoan |December 06,2022
facebook
share this

Roderick Paulate ipinagtanggol ni Cristy Fermin: Hindi po puwedeng basta na lang siya pagbibintangan ng ganyan!

Reggee Bonoan - December 06, 2022 - 01:57 PM

Roderick Paulate ipinagtanggol ni Cristy Fermin: Hindi po puwedeng basta na lang siya pagbibintangan ng ganyan!

Roderick Paulate at Cristy Fermin

“HUSGADO po ng bayan ang umiiral ngayon. Si Roderick Paulate po ay hinuhusgahan, e, hindi naman po natin alam kung ano ang kuwento ng kaloob-looban ng kasong ito!”

Ito ang pahayag ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa Radyo5 News FM.

Pagpapatuloy ng batikang manunulat at online host, “Alam n’yo po laman po lahat ng pahayagan si dating Konsehal Roderick Paulate dahil nga po sa inilabas ng Sandiganbayan na resolusyon.

“Kasi ang inilabas ng Sandiganbayan ay walong taong pagkakakulong para sa kasong graft at doon naman po sa falsification of public documents, 6 years each.

“Pero hindi pa poi to pinal may mga puwede pa pong gawin na legal remedies at proseso po para sa apela dito sa lumabas ng Sandiganbayan na ito,” sabi ni Nanay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roderick Paulate (@roderickpaulate)


Dagdag pa niya, “At saka kapansin-pansin po pag artista ang pumasok sa mundo ng pulitika, ewan kung ano ang ikinatatakot ng mga politikong ito.  Takot na takot sila na agad-agad mayroon silang kaagad na pangontra, meron kaagad silang mga panira.

“Itong kaso ni kuya Dick na ito para siyang labandero na biglang namalantsa na walang gaanong alam sa mundo ng pulitika at hindi natin maiaalis na may mga nangyari sigurong pangontra na hindi natin maintindihan, di ba?” aniya pa.

Sagot naman ni Romel, “Opo galing sa mga kalaban niya sa pagka-politician.”

Maririing ipinagtanggol ni Nanay Cristy si kuya Dick bilang kasamahan sa movie industry sa loob ng matagal na panahon.

“Alam n’yo po kami po ay matagal na sa mundo ng entertainment, nasubaybayan po namin ang ugali at kung anong klaseng tao ‘tong si Roderick Paulate.

“Kami po ang makapagsasabi at marami pang iba na napakalinis po ng kanyang imahe at wala po siyang anumang kuwento na sadlakan tungkol sap era, sa mga kaso. Napakalinis po ng kanyang pangalan para sa amin.

“Labas po ang kaso na isinampa laban sa kanya makikipaglaban po kami sa linis ng pangalan ni Roderick Paulate, sa totoo lang!” pahayag ni ‘Nay Cristy.

Dagdag naman ni Romel na sinabi ni kuya Dick na isang milyon ang ibinibintang sa kanya na kaya naman niya itong kitain bilang artista.

Susog ni ‘Nay Cristy, “Aysus naman! Oong-oo naman! Pati nga ang kanyang driver ay dinamay-damay na.”

Nabanggit din ni ‘Nay Cristy na hintayin ang buwelta ni kuya Dick sa mga kasong isinampa sa kanya ng Sandiganbayan.

“Hindi naman po (ibig sabihin) na lumabas na ang kaso ng Sandiganbayan ay final at executory na po iyon, hindi po ganu’n. Marami pa pong maaaring gawin na depensa si Roderick Paulate.

“Hindi dahil kasama po namin siya sa industriya kahit kasama pa po namin siya sa entertainment world kung talagang may ginagawa pong kasalanan ay hindi po namin kakampihan. Hindi po namin talaga bibigyan ng katwiran para malabas siya dito sa asunto.

“Wala po siyang tinapakan o inisahan, niloko sa industriyang ito at alam po namin na nang pasukin niya ang mundo ng politika (ay) bitbit po niya ‘yan kaya hindi po puwede na basta na lang siya pagbibintangan ng ganyan!” pagtatanggol pa ng manunulat sa veteran comedian.

Sabi pa ni Romel ang mga humusga kay kuya Dick ay ang mga hindi niya constituents gayung ang mga nasasakupan niya sa distrito bilang konsehal ay super bait sa kanya.

“’Yung mga hindi niya kadistrito at wala namang alam tungkol sa kanyang serbisyo at walang alam sa kanyang mga ginawa ay iyon pa ang humuhusga sa kanya!” sambit pa ni Nanay Cristy.

Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!

Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy, Barbie nagkaayos na: Alam ko ang buhay ng batang ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending