Maricel Soriano 'di na siningil ang mga artistang nangutang sa kanya, bakit kaya?

Maricel Soriano ‘di na siningil ang mga artistang nangutang sa kanya, bakit kaya?

Therese Arceo |November 18,2023
facebook
share this

Maricel Soriano ‘di na siningil ang mga artistang nangutang sa kanya, bakit kaya?

Therese Arceo - November 18, 2023 - 06:32 PM

Maricel Soriano 'di na siningil ang mga artistang nangutang sa kanya, bakit kaya?

Maricel Soriano

INAMIN ng Diamond Star na si Maricel Soriano na kinalimutan na niya ang mga celebrities na nagkaroon ng utang sa kanya.

Sa kanyang naging interview kay Aiko Melendez na mapapanood sa YouTube channel ng huli, sumalang ito sa “Truth or Dare” kung saan may choice siya kung sasagutin ang isang tanong o gagawin niya ang kaukulang dare para sa naturang question.

Isa nga sa mga naitanong kay Maricel ay kung sinu-sinong mga celebrity o personality na hindi pa rin nakakapagbayad sa kanya.

“Naku, kinalimutan ko nang lahat ‘yan. Kasi ako, lista sa tubig ‘yan. Wala ‘yun,” sagot ng Diamond Star.

Baka Bet Mo: Maricel Soriano sa mga artistang natatakot sa kanya: ‘Huwag naman kayong ganyan, hindi naman ako nangangagat!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Biro ni Aiko, pagkatapos raw ng kanilang shoot para sa vlog ay uutangan niya ang kanyang Nanay Maricel dahil hindi na ito nagpapabayad.

Hirit naman ng beteranang aktres, tulong na niya ito sa tao.

“Pag ako nagbibigay kinakalimutan ko na ‘yun. Tinulungan mo tapos pagbabayarin mo rin. Edi hindi nakagaan sa paghihirap nung tao,” paliwanag ni Maricel.

Sunod na tanong nito ay kung ano ang ranking ng mga aktres na nakatrabaho niya recently from best to least— Kim Chiu, Iza Calzado, Kaila Estrada, at Jodi Sta. Maria.”

Unang pinili ni Maricel si Jodi, sunod ay si Iza, next naman si Kaila, at ang panghuli ay si Kim.

“Pero mahuhusay sila. They’re alright,” sey ng Diamond Star.

Samantala, puring-puri naman ni Aiko si Maricel dahil hindi ito madamot sa pagbabahagi ng knowledge sa mga kasamahang artista upang mas mapaigi nito ang pag-arte.

“Marami akong ginawang gano’n kasi ito ‘yung mga dekalibreng artista para sa akin. Isa ka doon, anak na ginawa kong bida dahil may ipapakita kayo e,” pagbabahagi ni Maricel.

Dagdag pa ni Aiko, kakaunti lang ang mga artistang naging anak-anakan ng Diamond Star na hindi marunong umarte.

“Don’t think with your brain whem you’re acting. You think with your heart. Your heart kasi will tell you everything,” sey pa ni Maricel.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim, JM, Kaila na-starstruck kay Maricel: ‘Diamond Star siya pero hindi niya po ipinaramdam sa amin, parang nanay talaga siya sa set’

Maricel Soriano inaming si Vice Ganda ang pinakamalakas niyang nasampal: Dumugo e

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending