Kim, JM, Kaila na-starstruck kay Maricel: 'Diamond Star siya pero hindi niya po ipinaramdam sa amin, parang nanay talaga siya sa set' | Bandera

Kim, JM, Kaila na-starstruck kay Maricel: ‘Diamond Star siya pero hindi niya po ipinaramdam sa amin, parang nanay talaga siya sa set’

Ervin Santiago |October 10,2023
facebook
share this

Kim, JM, Kaila na-starstruck kay Maricel: ‘Diamond Star siya pero hindi niya po ipinaramdam sa amin, parang nanay talaga siya sa set’

Ervin Santiago - October 10, 2023 - 12:21 AM

Kim, JM, Kaila na-starstruck kay Maricel: 'Diamond Star siya pero hindi niya po ipinaramdam sa amin, Parang nanay talaga siya sa set'

Kaila Estrada, Maricel Soriano, Paulo Avelino, Kim Chiu at JM de Guzman

STARSTRUCK ang lead stars ng Kapamilya drama series na “Linlang” na sina Kim Chiu, JM de Guzman at Kaila Estrada sa nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Nawala ang lahat ng takot at nararamdamang intimidation ng tatlong Kapamilya stars nang makilala na nila nang lubusan si Marya habang ginagawa nila ang pinakabagong serye ng ABS-CBN na napapanood sa Prime Video.

Sa naganap na mediacon ng naturang programa ay natanong sina Kim, JM at  Kaila kung ano ang masasabi nila tungkol sa nag-iisang Diamond Star.

Inamin ni Kim na talagang kinabahan siya sa mga eksena nila ni Maricel sa “Linlang”, lalo na sa kanilang sampalan scene.

Baka Bet Mo: Pinoy viewers may powers makialam sa ‘The Chosen One’ nina Melai at Jhong: ‘You get to play God!’

“Sobra po akong natigalgal (sa lakas ng sampal). Siyempre kakabahan na ako. Medyo ninenerbyos din ako pag magkaeksena na kami kasi siyempre ang dami ng nagawang project at eksena si Inay baka yung sampal medyo hard,” aniya pa.


“Pero very generous si Inay, ang dami niyang ibinibigay sa amin. Lalo na ako kasi magkapaa kami so ang dami kong sapatos na mamahalin galing kay Inay,” ang rebelasyon pa ng dalaga.

Sey naman ni JM na gumaganap na anak ni Maricel sa naturang serye, “Diamond Star siya pero hindi niya po pinaramdam sa amin.

“Parang nanay talaga siya sa set, inaalagaan kami. Naging challenge sa akin pagka naka-eksena ko siya, nanonood ako sa kanya kasi sobrang galing, nadadala ako sa scenes,” dugtong pa ng aktor.

Baka Bet Mo: Ako talaga naniniwala sa law of karma! – Dimples Romana

Pag-amin naman ni Kaila na first time ring nakasama ang showbiz icon sa isang project, “I was super nervous, in the beginning working with Inay, I mean she is the Diamond Star for a reason, ‘di ba?

“I guess really stepping into this whole show with such a powerful cast talagang kinabahan ako. I’m so grateful for everybody and Inay kasi tinaggap nila ako and they welcomed me and they were so warm to me.

“Si Inay kasi para talaga siyang nanay namin eh kaya inalagaan niya talaga kami,” paglalarawan pa ng anak nina Janice de Belen at John Estrada kay Marya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaila Estrada hindi nape-pressure bilang ‘anak ni Janice’: My mom is a legend, I have a long way to go…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending