Kaila Estrada hindi nape-pressure bilang ‘anak ni Janice’: My mom is a legend, I have a long way to go…
IN FAIRNESS, sinuswerte ngayon ang anak ni Janice de Belen na si Kaila Estrada dahil kahit may pandemya ay hindi siya nawawalan ng proyekto sa ABS-CBN.
Sunud-sunod ang trabaho ng Kapamilya young actress at Star Magic artist mula nang pumasok ang 2022 kaya naman todo ang pasasalamat niya sa mga bossing ng ABS-CBN.
Bumida si Kaila sa episode kagabi ng “Maalaala Mo Kaya” kung saan ginampanan niya ang life story ng dating “Pinoy Big Brother” season 10 celebrity housemate na si Karen Bordador.
Bukod dito, napapanood din siya sa hit Kapamilya series na “Viral Scandal” kung saan ginagampanan naman niya ang karakter ni Raven Ramones.
Marami ang nagsasabi na manang-mana rin siya sa mga magulang niyang sina Janice at John Estrada sa galing umarte kaya hindi malayong magkaroon din siya ng acting awards kapag nabigyan pa ng mga challenging roles.
View this post on Instagram
“I reached a point in my life where I wanted to find out what else I could do and step out of my comfort zone,” ang sabi ni Kaila sa isang panayam.
Dagdag pa ng dalaga, “Acting wasn’t something I really considered until I realized I was getting older tapos naisip ko ‘if not now, when?’ So I decided to give it a shot.”
Nagpapasalamat din daw siya sa inang si Janice sa 100 percent support na ibinibigay nito sa kanya at sa patuloy na pagbibigay ng guidance sa kanya.
“I feel so blessed and grateful to have very supportive parents. Si mama has always let me figure things out on my own so she doesn’t comment as much. But I know she’s proud of me,” sabi pa ni Kaila sa nasabing interview.
Nang matanong kung may nararamdaman siyang pressure kapag ikinukumpara siya sa kanyang award-winning nanay, “The pressure I feel doesn’t come from being ‘anak ni Janice.’
“Because my mom is a legend and I have a long way to go to get even close to what she has accomplished,” lahad ni Kaila.
Mariin pa niyang sabi, “My journey is different from hers and the pressure really comes from myself. Because I want to do well and I want to grow in this industry.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.