Ako talaga naniniwala sa law of karma! - Dimples Romana | Bandera

Ako talaga naniniwala sa law of karma! – Dimples Romana

Ervin Santiago |February 07,2022
facebook
share this

Ako talaga naniniwala sa law of karma! – Dimples Romana

Ervin Santiago - February 07, 2022 - 07:35 AM

Dimples Romana, Kaila Estrada at Charlie Dizon

“BLESSING” kung ituring ng mga Kapamilya youngstar na sina Charlie Dizon at Kaila Estrada ang pagiging close nila sa aktres at entrepreneur na si Dimples Romana.

Magkakasama ang tatlo sa ABS-CBN hit drama series na “Viral Scandal” at pagkatapos nga ng kanilang lock-in taping ay naging malapit na silang magkakaibigan.

“Nauna silang (Charlie at Kaila) magkasama tapos binista nila ako, doon yun nag-start,” simulang pagbabahagi ni Dimples nang mag-guest sila sa isang episode ng “Magandang Buhay”. 

“Tapos sabi ko, ay parang puwede ito. Kasi hindi ba kapag tumatanda ka na, ako ganoon na parang feeling mo parang quota ka na sa friends mo. 

“‘Yung parang okay na ako sa mga kaibigan ko, kung makikipagkaibigan ako ‘yung ano na lang very casual. Pero ito I really feel that it’s going to be a lifetime kind of friendship,” pag-amin ng aktres.

Sabi naman ni Kaila, “Talagang I can’t even remember kung paano siya nangyari basta naging close lang po talaga kami.” 

Kuwento ni Charlie, napakalaki ng pasasalamat nila ni Kaila kay Dimples dahil talagang ginabayan daw sila nito habang ginagawa ang kanilang teleserye. Never din daw nagdamot ang aktres sa mga nalalaman nito bilang artista.

“Ganoon siya ka-connected sa lahat. Ang bilis niyang hingan ng tulong talaga,” chika ni Charlie.

“Ate siya talaga namin. Sobrang real ang advice na ibinigay niya, hindi siya nagsu-sugar coat. 

“At the same time sobrang warm siya, sobrang maalaga and she always makes herself available to us and sobrang na appreciate namin. Sobrang grateful namin to have ate in our lives talaga,” dagdag pa pahayag ni Kaila.

View this post on Instagram

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Sabi ni Dimples, mas napalapit siya sa dalawang aktres sa lock-in taping ng “Viral Scandal” dahil sa sobrang pagka-miss niya sa panganay na si Callie. 

“Siguro kasi nami-miss ko si Callie. Kasi she’s so far away from me. Kapag kasi nanay ka and you have to work, you treat everybody around you the same way you would want your children to be treated by other people. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako naniniwala ako sa law of karma. So kung ikaw tatratuhin mo nang maayos ang katrabaho mo, ako talaga ang dasal ko lang, Lord, kapag dumating ‘yung panahon na ‘yung anak ko ay nagtatrabaho na siya, sana kung paano ako sa kanila ay ganoon din sila sa kay Callie,” pahayag pa ni Dimples.

Dimples Romana 24 years na sa showbiz; may promise sa mga batang artista

Dimples ibabandera ang pinagdaraanan ng mga OFW; hindi sine-censor ang socmed ng anak

Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending