Pinoy viewers may powers makialam sa ‘The Chosen One’ nina Melai at Jhong: ‘You get to play God!’
BENTANG-BENTA ngayon sa manonood ang pinakabagong “pili-serye” sa PIE Channel na pinagbibidahan nina Melai Cantiveros, Jhong Hilario at Kaila Estrada.
Patok sa mga Filipino viewers ang “The Chosen One” na isang reality suspense-drama kung saan may powers ang manonood na kontrolin ang mga karakter at kaganapan sa programa.
“You get to play God,” ang paglalarawan nga ng direktor ng show na si Topel Lee sa “The Chosen One”. Bukod kina Melai, Jhong at Kaila, kasama rin dito ang mga dating housemates ng “Pinoy Big Brother.”
Paliwanag pa ni Direk Topel, “Ikaw (viewers) ang magde-decide kung saan papunta ang kuwento, kung ano ang mangyayari sa characters. Fresh ito for this type of programming sa PIE Channel (Pinoy Interactive Entertainment).
“They get to vote kung sino ang gusto nilang matira o kung sino ang gusto nilang matsugi. Doon magde-depend ang story, sa voters,” sabi pa ng direktor sa ginanap na virtual mediacon ng show last Wednesday.
“Siyempre hindi namin ikakalas sa main narrative but at least mayroon tayong sinusundan na flow na manggagaling sa viewers kung ano ang gusto nila na mangyari sa characters natin,” dagdag pa niya.
Ang nasabing hybrid narrative-reality show ay bahagi pa rin ng ikaapat na monthsary ng PIE Channel na nagsimula na noong Setyembre 24 (8 p.m.).
Sa “The Chosen One: Ang Piliserye ng Bayan,” nasa kamay ng PIE viewers ang kapalaran ng mga karakter sa kwento dahil sila ang magpapasya kung sino ang mabubuhay o matsutsugi sa pamamagitan ng botohan. Limang maswerteng Philippine-based voters ang mananalo ng P1,000 kada linggo na mapipili via randomizer.
View this post on Instagram
Para sa pilot ng “The Chosen One,” tampok nito ang campy thriller series na “Soap Opera” na susundan ang kwento ni Charlie (Kaila Estrada), isang dalagang sasabak sa isang networking group na Astra Nuevo kung saan bossing si Miss Jane (Melai). Sa Astra Nuevo, makikilala ni Charlie ang 10 taong tulad niya ay nangangarap ding makaahon sa hirap. Pero imbes na ginhawa, nalagay sa alanganin ang kanilang mga buhay.
Magsisilbing players o ang mga karakter na pagbobotohan ng PIE viewers ang dating “PBB” housemates na sina Andi Abaya (Rachel), Amanda Zamora (Julie), Dustin Mayores (Jason), Gabb Skribikin (Cheska), Kobie Brown (Peter), Luke Alford (Kiko), Maxine Trinidad (Emma), Rob Blackburn (Joe), Seham Daghlas (Paula), at Zach Guerrero (Mike).
Tuwing Sabado (8 hanggang 10 p.m.), magpapalabas ang “The Chosen One” ng live episodes ng “Soap Opera” at pagkatapos nito, magbibigay ng komento si Melai kasama ang ‘chosen mentor’ na si Jhong Hilario. Malalaman din ng viewers ang standing ng bawat player base sa audience votes.
Ani Melai sa ipinalabas na primer ng show, ibang klaseng Melai raw ang mapapanood ng viewers sa “The Chosen One”, “First time ko na ganitong storya. Kasi ako naman nagho-horror, pero may sundot na comedy. Dito parang may pagka-serious talaga.”
Samantala, nagpasalamat naman si Jhong na siya ang napiling ‘chosen mentor’ at nagbahagi kung anong gusto niyang makita mula sa mga player.
“Siyempre dahil suspense thriller itong piliserye natin, gusto kong matakot sa acting nila. Gusto kong tumayo ‘yung mga balahibo ko dahil alam ko kapag natakot ako, ‘yung mga manonood sa kanila, matatakot din,” sabi ni Jhong.
Bukod sa “The Chosen One,” may bagong shows at PIE jocks din ang PIE para umapaw ang saya araw-araw. Nariyan sina Gretchen Fullido, Abby Trinidad, Frances Cabatuando, Mayor TV, Tristan Ramirez (Lunes hanggang Sabado) Madam Inutz, Migs Bustos, at Nicole Cordovez (Linggo) sa BRGY PIESILOG; Janine Berdin at Raco Ruiz sa PIEBORITO (Lunes hanggang Linggo); Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado), Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo) sa PIEGALINGAN; Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (Linggo) sa PIENALO; at sina Aaron Maniego, Karen Bordador, Renee Dominique (Lunes hanggang Biyernes), Elmo Magalona, at Vivoree (Linggo) sa PIE Night Long.
Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang araw-araw.
https://bandera.inquirer.net/307959/kaila-estrada-hindi-nape-pressure-bilang-anak-ni-janice-my-mom-is-a-legend-i-have-a-long-way-to-go
https://bandera.inquirer.net/312137/maxene-magalona-feel-na-feel-ang-pagiging-nanay-sa-viral-scandal-no-parent-is-perfect-no-child-is-perfect
https://bandera.inquirer.net/314842/moira-sa-hiwalayan-at-pagpapaubaya-we-can-choose-gratitude-over-bitterness-we-can-choose-love-and-forgiveness
https://bandera.inquirer.net/281422/promise-ni-luis-kay-jessy-sa-mga-araw-na-pareho-tayong-hindi-kamahal-mahal-i-will-choose-to-love-you
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.