Payo ni Maricel kay Francine: 'Wag mong pakinggan ang ibang tao na nambubuwisit lang sa 'yo' | Bandera

Payo ni Maricel kay Francine: ‘Wag mong pakinggan ang ibang tao na nambubuwisit lang sa ‘yo’

Ervin Santiago |October 09,2023
facebook
share this

Payo ni Maricel kay Francine: ‘Wag mong pakinggan ang ibang tao na nambubuwisit lang sa ‘yo’

Ervin Santiago - October 09, 2023 - 08:27 AM

Payo ni Maricel kay Francine: 'Wag mong pakinggan ang ibang tao na nambubuwisit lang para bumaba ang energy level mo'

Francine Diaz at Maricel Soriano

NAG-BONDING at nagchikahan nang bonggang-bongga ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano at ang young actress na si Francine Diaz.

Sa latest YouTube vlog ni Marya mapapanood ang kanilang paglalamiyerda at pagkukuwentuhan tungkol sa iba’t ibang kaganapan sa kanilang life.

Bumisita sina Maricel at Francine sa Art In Island Museum sa Cubao, Quezon City at habang lumilibot ay napag-usapan nila ang katatapos lang na “Dirty Linen” kung saan nakasama si Francine.

Super puri ang Diamond Star sa naging performance ni Francine sa nasabing Kapamilya revenge drama series na pinagbidahan din nina Janine Guttierez, Zanjoe Marudo at Seth Fedelin.

Inamin ni Francine kay Marya na nagduda rin siya noon kung nabibigyan  ba niya ng hustisya ang kanyang karakter sa serye matapos makabasa ng mga comment mula sa netizens na hindi siya deserving sa role.

Baka Bet Mo: Maricel Soriano bukas sa muling pakikipagrelasyon: Kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello’

“Kaya po natutuwa po ako kapag ‘yung mga direktor po namin na sina Onat Diaz pati si Direk Andoy Ranay kapag sinasabihan nila akong very good, kapag sinasabihan nila akong good job,” sey ni Francine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Ang advice naman ni Maricel sa dalaga, “Huwag kang magpapadala doon sa mga ganoon. Kasi ‘yun, opinyon nila. Hindi naman lahat ng tao kaya nating i-please.

“Pero pagdating sa trabaho mo, huwag kang maaapektuhan. Kasi hindi mo maibibigay ang lahat pagka naapektuhan ka,” ani Marya.

Dagdag pa niyang advice kay Francine, “Basta kung anong sinabi ng direktor na gawin mo, ‘yun ang gagawin mo.

“Huwag mong pakinggan ‘yung ibang tao na nambubuwisit lang para bumaba ‘yung energy level mo,” aniya pa.

Samantala, napapanood ngayon si Francine sa pinag-uusapang iWantTFC mystery-thriller series na “Fractured” kasama ang ka-loveteam niyang si Seth Fedelin at ang iba pang Kapamilya at Star Magic youngstars.

Maricel hiyang-hiya kapag tinatawag na Diamond Star; gustung-gustong makatrabaho sina Daniel at Enchong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carmina Villaroel naiyak sa takot, nakatikim ng matinding sampal mula kay Maricel Soriano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending