LA Santos naiyak, labis ang pagpapasalamat sa ina: Grabe po ang mga mommy sobrang angels silang lahat | Bandera

LA Santos naiyak, labis ang pagpapasalamat sa ina: Grabe po ang mga mommy sobrang angels silang lahat

Reggee Bonoan |November 18,2023
facebook
share this

LA Santos naiyak, labis ang pagpapasalamat sa ina: Grabe po ang mga mommy sobrang angels silang lahat

Reggee Bonoan - November 18, 2023 - 04:38 PM

LA Santos naiyak, labis ang pagpapasalamat sa ina: Grabe po ang mga mommy sobrang angels silang lahat

LA Santos at Maricel Soriano

SA kalagitnaan ng mediacon ng” In His Mother’s Eyes” na pelikula ni LA Santos bilang mayroong Autism spectrum disorder (ASD) ay napaiyak siya nang tanungin kung ano ang mga memorable things na nagawa sa kanya ng Mommy Flor niya.

“Sa totoo lang po hindi pa ako sumasagot naiiyak na ako. Grabe po ang mga mommy sobrang angels silang lahat,” panimula ng aktor na halatang pinipigilang pumatak ang luha.

“Pinaka-unforgettable ko (bata pa) kay mommy sobrang dami pero ‘yung pinaka (emosyonal na at hindi makapagsalita) ‘Ma sorry.’ Pinakamalapit po sa puso ko everytime na may trabaho ako at everytime na lalabas po ako mine-make upan ako ni mommy palagi, ha, ha, ha. Inaaway niya ako kapag lumalabas akong hindi naka-make upa or naka-ayos po. Lalo ngayon na tumanda na ako, hinahanap-hanap ko po, lalo na pag may trabaho ako (basag ang boses). Ayaw kong magpa-make up sa iba, gusto ko sa kanya lang,” nakatawang sabi ni LA.

At hiningan naman ng reaksyon ang ina ng binata na siya ring producer ng “In His Mother’s Eyes”.

“May ise-share lang ako na nakita ko ‘yung hardwork ni LA (sa movie), sabi ko (sarili) sana mabigyan ng chance at may nagsabi na walang puwedeng ibang gumanap bilang ina kundi si Marya (Maricel Soriano) kasi galing sa puso. (Bilang) isang nanay gusto kong mapakita kung ano ang kakayahan ng mga anak ko hindi dahil sa akin kundi dahil sa kung anong mayroon sila,” bungad ni Gng. Flor.

Kilala sa showbiz ang mommy niya at hindi maitatagong nakakaangat sila sa buhay kaya gusto na ng ginang na pakawalan ang mga anak at tumayo sa sarili nilang mga paa at siya ang masasabing well –guarded dahil sa kalagayan nito bilang may austism.

Baka Bet Mo: LA Santos bumilib sa mga nagtatrabaho sa karinderya: ‘Grabe yung buhay nila, karamihan sa kanila galing pa sa probinsya’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At dahil malapit sa media ang ina ay naging mahal na rin ng entertainment press ang anak na si LA na hindi naman mahirap mahalin dahil napakabait ng binata at ma-respeto sa lahat.

Kaya abut-abot ang pasalamat ni Gng Flor na suportado ng mga kilalang artista ang unang pelikula ng anak at tinulingan daw siya ni JRB o ni MsJ ulieAnneBenitez at iba pang executive ng ABS-CBN hanggang sa nabuo na ang cast headed by Maricel, Kuya Dick Paulate, Maila Gumila, Ruby Ruiz, Ogie Diaz at ang mga bagets na sina Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Inah Evans, Nolo Lopez, Bong Gonzales at Skylee Alcalde produced ng 7K Entertainment.

Inaming sumama rin ang loob nang hindi mapasama sa Metro Manila Film Festival 2023 ang “In His Mother’s Eyes” pero baka raw kasi blessing in disguise na mauna silang mapanood simula sa Nobyembre 29 nationwide.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Teaser ng pelikula nina Maricel, Roderick at LA Santos nakakaiyak; isa-submit para sa MMFF 2023

Sakripisyo nina LA Santos, Benedict Mique at Vitto Marquez para sa kanilang pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending