Teaser ng pelikula nina Maricel, Roderick at LA Santos nakakaiyak; isa-submit para sa MMFF 2023
NAPANOOD namin ang teaser ng pelikulang “In His Mother’s Eyes” at speechless kami dahil talagang napahinto kaming kumain at uminom ng kape para namnamin ang bawa’t eksena nina Maricel Soriano, LA Santos at Roderick Paulate.
Kadalasan kasi kapag may pinapanood kaming pelikula o series at hindi nakuha ang atensyon namin ay kung saan-saan kami lumilingon o kaya magtse-check ng messages sa cellphone na hindi naman namin sadya talaga.
Sa “In His Mother’s Eyes” ay hindi namin namalayan na tumulo na pala ang mga luha namin dahil dalang-dala kami sa eksena ng mag-inang Maricel at LA.
Ilang beses naming nakapanayam si LA sa storycon at mediacon ng pelikula nila ni Kira Balinger na “Maple Leaf Dreams” mula sa direksyon ni Benedict Mique na normal ang kilos kaya nang mapanood namin ang teaser ng “In His Mother’s Eyes” ay talagang humanga kami sa aktor, ang husay niya sa pagkakaganap bilang binatang may Autism spectrum disorder (ASD).
Iniwan kasi si LA ng nanay niyang si Maricel sa kuya nitong si Roderick (tito ni LA sa kuwento) dahil nagtrabaho ito sa malayong lugar at pagbalik ay binata na ang anak at hindi na siya kilala.
At dahil bata pa nga si LA nang iwan ni Maricel ay walang alam ang huli kung ano na ang daily routine ng anak kaya nagkaroon sila ng gulo bagay na ikinadurog ng puso ng ina.
View this post on Instagram
Wala ang cast nang manood kami ng teaser sa 7K Studio at ang ina ni LA ang naroon na si Gng. Flor Santos na halatang napaiyak din dahil garalgal ang boses.
Aniya, “Grabeng hirap ang pinagdaanan namin ni LA, di ba? Alam ko kilala ninyo si LA bata pa lang siya at kayo ‘yung nagbu-boost sa kanya dahil dati sapilitan lang siya, sabi ninyo may potential at alam ko inilalaban ninyo siya.”
At kaya gumaling umarte ang aktor, “Grabe ang workshop niya, ang dami niyang workshop saka pag gusto talaga niya gagawin niya lahat pag aktor siya.”
Baka Bet Mo: Roderick Paulate ‘guilty’ sa kasong graft at falsification of public documents kaugnay ng ghost employees
Kaya talagang ipinapanalangin ng mama ni LA at hiniling ding ipanalangin ito ng mga inimbitang media na sana’y mapasama ito sa 2023 Metro Manila Film Festival dahil alam niyang maraming magagandang pelikulang nag-submit ng finished films.
“Kaya talagang dadaanin natin ito sa dasal,” saad ni Gng. Santos.
Sa tanong kung paano napapayag si Maricel dahil alam na mahirap ang schedules nito, “Naikuwento ko kasi kay Maricel ang hardships ko simula nang ipanganak ko si LA kaya sabi niya, ‘Mommy gagawa ako ng paraan gusto kong gawin ito at ‘yun nga nabuo na sila (production team) lahat ang gumawa ng paraan para mabuo ang (artista) dahil wala naman akong alam dito,” say ng lady producer.
Naibahagi rin niya na sobrang close nina Marya at LA, “Feeling ko nga mas magnanay pa ‘yung dalawa. Naikukuwento lahat ni LA kay Maricel at naiintindihan niya ang tantrums ni LA.
View this post on Instagram
“Grabe rin ang suporta nilang mga artista kay LA at hindi magagawa ni LA lahat kung hindi dahil sa suporta nila lalo na si Direk FM Reyes. Grabe kung paano nila i-coach si LA, kung paano nila i-guide, minsan nga nahihiya ako kasi paulit-ulit at naiintindihan naman nila kasi bago si LA pero walang maririnig sa kanila (veteran actors).”
True to life story ba ang “In His Mother’s Eyes?”
“I think ‘yung may sakit siya, ‘yun ang totoo do’n. Everyone of you knows naman that LA is special, di ba?” napangiting sagot ng mama ng aktor.
Napansin namin na kahit heavy drama na ang eksena ay susulpot na nakakatawa sa linyahan nina Marya at Ruby Ruiz isama pa si Roderick. At catered nito ang lahat ng audience na mahilig sa drama, sa comedy, at puwede rin sa LGBTQIA plus community.
Anyway, bukod kina Maricel, LA at Roderick, kasama rin sa pelikula sina Vivoree, Elyson De Dios, Reign Parani at iba pa mula sa direksyon ni FM Reyes.
Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!
Carmi sa kaso ni Roderick: Nabiktima siya, mas maraming big fish diyan, bakit hindi iyon ang unahin?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.