Carmi sa kaso ni Roderick: Nabiktima siya, mas maraming big fish diyan, bakit hindi iyon ang unahin? | Bandera

Carmi sa kaso ni Roderick: Nabiktima siya, mas maraming big fish diyan, bakit hindi iyon ang unahin?

Ervin Santiago - December 15, 2022 - 09:21 AM

Carmi sa kaso ni Roderick: Nabiktima siya, mas maraming big fish diyan, bakit hindi iyon ang unahin?

Roderick Paulate at Carmi Martin

NAG-AALALA nang bonggang-bongga ang seasoned actress na si  Carmi Martin sa kinakaharap na kaso ng kaibigan niyang si Roderick Paulate.

Kamakailan ay hinatulan ng “guilty” ang award-winning veteran comedian ng Sandiganbayan para sa mga kasong graft at falsification of public documents.

Ang nasabing kaso ay may kaugnayan noong nanunungkulan pa siya bilang konsehal ng Quezon City dahil sa umano’y pagkuha niya ng 30 ghost employees mula July hanggang November, 2010.

Anim at walong taon hanggang 62 taong pagkakakulong ang naging sentensiya kay Roderick.

Sa ginanap na grand mediacon ng bagong pelikula ni Carmi na “My Teacher” last December 12 ay natanong nga sa aktres kung ano ang reaksyon niya sa naging sentensiya sa kanyang kaibigan.

“Yun na nga! Yun na nga ang tinatanong sa akin. Kasama raw ako dun? Kasi, Dick and Carmi daw?!” ang simulang reaksyon ni Carmi patungkol sa komedyante na nakasama niya sa mga ABS-CBN shows na “Tonight with Dick and Carmi” (1988-1991) at “Abangan ang Susunod na Kabanata” (1991-1997).

Patuloy pa ng aktres, “Oh my God! I’m sorry to joke about it. I’m sorry to joke about it pero, you know, I text him.

“I told him, ‘Dick, alam ko naba-bother ka dito. I pray na malampasan mo ito. Pinagpe-pray kita.’

“Kasi, pareho na kaming may maintenance. Kaedad ko yan, magsi-sixty na rin iyan. So, alam ko kung paano naba-bother yan.

“And I feel that na-victimize siya. Na alam mo yun, sabi ko, ‘Ang dami nga diyang big fish, bakit hindi nahuhuli?!’” sabi pa niya.

Ayon kay Carmi, hindi pa sila nagkakausap uli ni Roderick matapos mabalita ang naging hatol ng Sandiganbayan sa aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmi Martin (@misscarmi_)


“Hindi, e. Parang, noong una, tinext ko siya. I don’t know if he changed his cell number, hindi sumagot.

“Pero nu’ng nag-send ako sa Messenger, doon sumagot. Sabi niya, ‘I believe in prayers,’ ganun. Sinabi ko, ‘Masyado akong concerned sa health mo.’

“Nakakalungkot naman talaga. Napakaganda ng ano, napakaganda ng pangalan ni Roderick as an actor. He is an icon, di ba? Mula bata, di ba? Tapos du’n ka pa mabiktima,” pakikisimpatya ni Carmi sa veteran comedian.

Reaksyon pa niya sa sentensya kay Roderick na 62 taon pagkakulong, “Oo! Diyos ko naman! Ano naman ang gagawin mo du’n, di ba?”

“Hindi ko siya minamaliit na whatever. Hindi ko alam, wala ako dun, wala ako sa kuwartong yun. I really don’t know what happened.

“Kaya lang, yung sa akin… I feel that nabiktima siya, and mas maraming big fish diyan, bakit hindi iyon ang unahin?” himutok pa ng beteranang aktres.

Sa ngayon, wala pang iniisyung official statement si Roderick hinggil sa kinasasangkutan niyang kaso. Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ng komedyante hinggil dito.

Carmi Martin nanampal ng dayuhang turista sa loob ng resto: Sabi ko sa kanya, ‘Who gave you the right to do that?’

Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending