Carmi ilang beses pinilit ng mga producer na maghubo't hubad

Carmi Martin ilang beses pinilit ng mga producer na maghubo’t hubad

Ervin Santiago - September 04, 2024 - 12:07 AM

Carmi Martin ilang beses pinilit ng mga producer na maghubo't hubad

Carmi Martin

Trigger Warning: Mention of sexual abuse

NI-REVEAL ng veteran actress na si Carmi Martin na marami ring nagtangkang mang-abuso sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Kuwento ng beteranang aktres, sexy actress ang naging packaging niya noong mag-start siyang mag-artista noong dekada ’80 pero nang magtagal at nalinya rin siya sa comedy.

Ayon kay Carmi, naging banta rin sa kanya ang sexual exploitation, tulad ng ilan pang female celebrities na kasabayan niya noon.

Baka Bet Mo: Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert

Totoong may mga movie producers daw na diretsahang humihingi sa kanya ng sexual favors kapalit ng kasikatan at sunud-sunod na proyekto.

Sa panayam ng kapwa aktres na si Snooky Serna para sa YouTube channel nito, inalala ni Carmi ang mga una niyang karanasan sa pag-aartista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by maeybautista (@maeybautista)


Ang naging launching movie raw niya noon ay ang “Hot Property” na ipinalabas taong 1983, mula sa direksyon ng premyadong filmmaker na si Lino Brocka.

Naka-love scene niya sa naturang pelikula ang award-winning actor na si Phillip Salvador. Ang mga sumunod niyang projects ay puro sexy-drama ang tema.

Pero dumating daw siya sa puntong nais na niyang iwasan ang sexy image kaya sinubukan niyang makatawid sa mundo ng telebisyon.

Baka Bet Mo: Carmi Martin naloka sa kilalang celeb: Hindi man lang nagso-sorry at nagbibigay-pugay sa mga beteranong artista

“Pinilit ko talaga na sa TV, kasi sa TV medyo may censorship,” kuwento ni Carmi kay Snooky.

Diretsahang inusisa ni Snooky si Carmi kung na-exploit ba siya noong kabataan niya? “Parang maraming times na gustong magkaroon ako ng frontal nudity.

“Mabuti na lang meron akong makulit na kasamang boyfriend na laging may hawak na baril. Alam mo yung parating nagkakaroon ng mga ganoong instances, na buti na lang kontrabida (sa paghuhubad ko),” pahayag ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmi Martin (@misscarmi_)


“Sa sobrang ayoko pati yung pamilya ko nasasaktan, talagang ginawa ko nga na mag-focus nga sa television,” aniya pa.

Sabi pa ng aktres, matagal nang nangyayari sa entertainment industry ang pinagpipiyestahang mga sexual abuse case ngayon sa showbiz, tulad ng sa kaso nina Sandro Muhlach at Gerald Santos.

Sey ni Carmi, “Pero yung exploitation… like what’s happening right now na may mga, ‘O, kailangan mong maki-affair kay ganito para mabigyan ka ng (project).”

Revelation pa ng seasoned actress, “Meron akong mga invitation na ganyan during that time, kasi nga ang seksi ko, e.

“And may mga producers din na talagang gustong nag-ano, nag-try na mag-take advantage sa akin, to the point na tinulak ko.

“Tinulak ko talaga at sinabi kong, ‘Hindi dahil ganito ako, na seksi or parang pina-package niyo as a sexy star, e, puwede niyo na akong i-exploit.’

“So meron ngang mga, sinabi ko nga, during the ‘80s, mas maraming babae ang parang mas nae-exploit na mabibigyan ka ng popularity if, for example, if papayag ka na magkaroon ng sexual relationship with the producers,” paglalahad pa ni Carmi.

Nabanggit din ni Carmi kung paano siya umiiwas kapag nararamdaman na niyang may “something” na gustong gawin ang mga taong nakakasama niya sa trabaho.

“Katulad kay Danny Zialcita (award-winning director), mahilig makipagkuwentuhan hanggang umaga. Sumasama kami para makipagtsikahan,” aniya pa.

Nakikipagkuwentuhan din daw siya hanggang umaga sa mga yumaong movie icon na sina Direk Ading Fernando at Comedy King Dolphy.

“Nandu’n kami kasama namin. Oo, paumagahan yon. Yun ang ginagawa ko. Pero yung mga ibang nagpaparamdam, marami talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And even nga yung…to be exploited na ‘Wala kang pera ngayon,’ parang inaano ka ng demonyo, ‘Wala kang pera ngayon, maghubad ka na,’ ganu’n-ganu’n,” rebelasyon pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending