Carmi Martin naloka sa kilalang celeb: Hindi man lang nagso-sorry at nagbibigay-pugay sa mga beteranong artista
KINOMPRONTA ng veteran actress na si Carmi Martin ang isang celebrity dahil sa nakakalokang attitude nito nang magkasama sila noon sa teleserye ng ABS-CBN.
Naloka raw talaga ang aktres sa ugali ng nasabing artista na hindi lang palaging late sa kanilang taping — wala rin daw itong respeto sa mga katrabaho lalo na sa mga veteran stars.
Naikuwento ni Carmi ang tungkol dito sa presscon ng pelikulang “My Teacher” na isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival 2022 na pinagbibidahan nina Joey de Leon at Toni Gonzaga.
“It happened a long time ago. May ginagawa akong soap sa ABS-CBN noon at ilang beses niya itong nangyari,” saad ni Carmi nang makachikahan nga ng press sa “My Teacher” mediacon na ginanap sa Winford Hotel sa Sta. Cruz, Manila.
“Tapos nu’ng dumating siya, hindi man lang siya nagso-sorry or nagbibigay-pugay man lang sa mga beteranong artista.
“Isang araw, na-award ko. Sabi ko, ‘ang tagal-tagal mo kanina ka pa namin inaantay.’ Then sinabi niya na kasi raw dapat yung road manager dapat daw nag-report or ganito raw dapat.
“Tapos magkaeksena kami parang hindi ko siya tinarayan. We’re just being professional sa set,” pagbabahagi pa ng beteranang aktres na parang hindi rin tumatanda.
View this post on Instagram
Sa tanong kung sikat pa rin ba ang nasabing celebrity, “Hindi na masyado.”
Lahad pa ng aktres, ang dalawa sa mga sikreto ng kanyang staying power sa showbiz ay professionalism at pagrespeto sa oras.
“Isang secret talaga is being professional and yung pagpapahalaga sa time. Yung lost time hindi mo na maibabalik yun at dapat talaga nakikisama ka.
“Tama nga yung sinabi ni direk na dumating ka on time, alam mo ang dialogue mo, and role mo.
“Wala akong pakialam kung ano ang paglabas mo sa shooting. Pero mas maganda siyempre kung magaling kang makisama,” aniya pa.
Sa direksyon ni Paul Soriano, ang “My Teacher” ay mapapanood na sa December 25 bilang bahagi ng MMFF 2022. Kasama rin dito sina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Kych Minemoto at marami pang iba mula sa TinCan Productions at Ten17 Productions.
Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert
Baguhang aktres mega attitude, mga kasama sa trabaho gusto na mag-back out
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.