Carmi Martin nanampal ng dayuhang turista sa loob ng resto: Sabi ko sa kanya, 'Who gave you the right to do that?' | Bandera

Carmi Martin nanampal ng dayuhang turista sa loob ng resto: Sabi ko sa kanya, ‘Who gave you the right to do that?’

Ervin Santiago |April 03,2022
facebook
share this

Carmi Martin nanampal ng dayuhang turista sa loob ng resto: Sabi ko sa kanya, ‘Who gave you the right to do that?’

Ervin Santiago - April 03, 2022 - 01:59 PM

Carmi Martin

INALALA ng veteran character actress na si Carmi Martin ang nakakalokang eksena sa kanyang past kung saan nasampal niya ang isang foreigner.

Sa gitna ng kontrobersyal na pananampal ng Hollywood actor na si Will Smith kay Chris Rock sa nakaraang 94th Academy Awards (Oscars), naibahagi ni Carmi ang halos katulad na eksena na nangyari sa kanya.

Kuwento ni Carmi, meron na rin siyang sinampal noon pero magkaiba naman daw ang sitwasyon at nangyari raw ang mala-eksena sa teleserye sa loob ng isang restaurant.

Pagse-share ng beteranang aktres sa nakaraang episode ng “Mars Pa More”, may tour guide raw na nagturo sa kanya sa kasama nitong foreign tourist at sinabing isa siyang artista.

“Lumapit sa table ko yung tour guide. Sinabi nga foreigner ganyan-ganyan, touring the Philippines and he would like to take a picture with you,” simulang kuwento ni Carmi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmi Martin (@misscarmi_)


Pagpapatuloy pa niya, “Ah, yeah sure.” Pumayag naman daw siya at kusa pang tumayo para sa picture taking.

At nakaka-shock nga ang sumunod na eksena — nagulat na lang daw si Carmi nang biglang umupo sa upuan niya ang turist sabay hatak sa kanya at ikinandong.

“Sinampal ko talaga! Sabi ko, ‘Who gave you the right to do that,” sabi ng aktres.

Tumawag daw agad ng pulis ang staff ng restaurant at pinaalis ang foreigner. Nilapitan din daw ni Carmi ang tour guide para pagsabihan dahil sa pambabastos sa kanya ng turista.

* * *

Ngayong gabi, April 3, may bagong pasabog ang classic dating game ng late night comedy program na “The Boobay and Tekla Show”.

Sa unang pagkakataon, ang magiging male searcher at tatlong babaeng contestants ay magkikita eye-to-eye sa simula pa lamang ng laro. Walang blindfold at walang pader sa kanilang pagitan.

Ang kaabang-abang na segment na ito ay ang “Pusuan Na ‘Yan: Summer Edition,” kung saan magsisilbing matchmakers ang comedy duo na sina Boobay at Tekla kay Kapuso hunk David Licauco at sa tatlong sexy ladies na nagnanais makuha ang puso ng aktor.

Sasabak ang tatlong contestants sa iba’t ibang tests ni David mula improv acting, sayawan, hanggang pisikal na mga laro. Matapos ang mga ito, pipili ang aktor ng babaeng dadalhin niya sa isang beach date.

Bago matapos ang masayang gabi, tatlong nakakatawang video na isinumite ng loyal viewers ng TBATS ang itatampok sa segment na “Pasikatin Natin ‘To!”

Mapapanood din sa episode na ito ang Mema Squad regulars na sina Jennie Gabriel, John Vic de Guzman, Pepita Curtis at Ian Red.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman kung gusto n’yong lumigaya ang inyong buhay, watch na ng “The Boobay and Tekla Show” tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert

Nadine hayagang binabastos ng mga basher matapos ilantad ang dyowang foreigner

Zoren kakaibang iyak ang ipinakita sa ‘The End Of Us’: Para hindi ako pagtawanan ng kambal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending