Kung si David ang magdadala sa 'yo sa tamang daan, sasama ka?

Kung si David Licauco ang magdadala sa ‘yo sa tamang daan, sasama ka ba?

Ervin Santiago - March 02, 2025 - 06:20 AM

Kung si David Licauco ang magdadala sa 'yo sa tamang daan, sasama ka ba?

David Licauco

NGAYON pa lang ay excited na ang mga fans ng Pambansang Ginoo na si David Licauco sa unang pelikulang gagawin nito ngayong 2025.

May bagong kaabang-abang na proyekto ang Kapuso actor na mapapanood na this year, ang “Samahan Ng Mga Makasalanan” mula sa GMA Pictures.

Sa social media post ng GMA Pictures, ipinasilip nga ang bagong role na gagampanan ni David. Ang nakasaad sa caption, “From Pambansang Ginoo to diakono ng mga parokyano.”

Mababasa rin dito ang tanong na, “Kung si David Licauco ang magdadala sa ‘yo sa tamang daan, sasama ka ba?”

Baka Bet Mo: Sanya Lopez napaluha sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA, inalala si Kuya Germs: ‘Siya po ‘yung naging daan para makilala ninyo ako’

Ang pelikulang “Samahan Ng Mga Makasalanan” ay mapapanood na sa darating na April 19.

Nauna rito,  excited ding nagkuwento si David tungkol sa naturang pelikula kung saan makakasama niya ang kanyang idol – ang veteran at award-winning actor na si Joel Torre.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Sey ni David patungkol kay Joel, “Seeing him as an actor ay napakagaling. In fact, kanina mayroon na akong nakita na puwede kong matutunan. Puwede kong i-apply sa the way I act also.”

Makakasama rin sa “Samahan Ng Mga Makasalanan” sina Sparkle child star Euwenn Mikaell, Sanya Lopez, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Buboy Villar, at marami pang iba.

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa bago niyang project.

“Father, I do.”

“‘Pag ganito ka guwapo ang Pari jusko araw-araw ako nasa simbahan.”

“Patawarin nyo ako Father dahil akoy nagkasala. Pero kasalanan nyo din ito Father.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huling napanood si David sa GMA series na “Pulang Araw” kasama sina Sanya Lope, Barbie Forteza, Alden Richards at Dennis Trillo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending