Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert | Bandera

Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert

Ervin Santiago |July 15,2021
facebook
share this

Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert

Ervin Santiago - July 15, 2021 - 09:28 AM

ANO nga ba ang sikreto ng veteran actress-comedienne na si Carmi Martin at parang hindi rin siya tumatanda nang bonggang-bongga?

Halos 45 years na si Carmi sa mundo ng showbiz at tatlong taon na lang ay magiging senior citizen na siya ngunit hindi nga halata ang kanyang edad dahil sa bata pa rin niyang itsura.

“Umpisa niyan dapat yung peace of mind is very important talaga and yun nakukuha ko dahil sa aking personal relationship with the Lord. Ako ang tagadasal sa aming set,” ani Carmi na ang tinutukoy na set ay sa taping nila para sa digital series na “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes.

Ito’y napapanood sa Puregold channel kasama sina Nikko Natividad, Jerome Ponce at David Bornea, sa direksyon ni Don Cuaresma.

Patuloy pang pahayag ng aktres, “And siyempre yung mga sacrifices ko eh, talagang yung kanin, ay talagang dalawang kutsarang quinoa na lang ang kakainin ko and as much as possible hindi na ako nagsu-sweets. 

“Pero kapag nagpadala naman si Nikko ng donut hindi ko mahindian. Kahit hindi ko dapat kainin kakainin ko dahil bigay niya. So yung mga simple treats minsan gagawin ko pero like I exercise everyday sa bahay,” dagdag pang pahayag ni Carmi.

“Alam ko na medyo mahirap for my age but I really just love aging gracefully at alam ko na gustong gusto ko rin na sa pagtatrabaho ko eh, hindi naman ako mukhang losyang na losyang. 

“Yung talagang paglalabanan ko as much as I can na maiba pa rin,” patuloy pa niya.

* * *

Ang young Kapuso actor na si Kevin Miranda ang isa sa mga bida ng susunod na episode ng “Wish Ko Lang” na bahagi pa rin ng month-long 19th anniversary celebration ng nasabing GMA Public Affairs show. 

Makakasama ni Kelvin ang veteran actor na si Albert Martinez, na isa nga raw sa mga gusto talaga niyang makatrabaho.

“A Second Chance” ang title ng episode ngayong Sabado (July 17) at mag-ama ang role na gagampanan dito nina Albert at Kelvin. Pagbabahagi ni Kelvin, favorite scene niya raw ‘yung mga eksenang nagkakaroon sila ng eye contact ni Albert.

“Gusto ko yung eksenang nag-eye contact kami. Sobrang nadadala kasi ako kay Sir Albert, palaging may laman ang mga tingin niya so mararamdaman mo talaga na totoo ang mga sinasabi niya,” say ng Kapuso actor. “Halos lahat ng eksena naging paborito ko,” dagdag pa niya.

Sa kuwento, ilang taong nakulong ang karakter ni Albert na si Fred dahil sa isang krimeng di nito sinasadyang magawa. 

After 25 years ay makakalaya na ito at babalikan ang kanyang anak na si Lorenz (Kelvin) na lumaking may sama ng loob sa ama. Akala kasi niya ay pinabayaan siya nito.

Isang pangyayari ang maglalagay sa alanganin kay Lorenz at sa huli, mapagtatanto niya kung gaano talaga siya kamahal ng kanyang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood din sa episode na ito sina Crystal Paras, Cai Cortez, Akihiro Blanco at Luke Conde. Abangan ang “A Second Chance” sa “Wish Ko Lang” kasama si Vicky Morales ngayong Sabado, 4 p.m. sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending