Carmi Martin may trauma sa lalaki, bakit kaya? | Bandera

Carmi Martin may trauma sa lalaki, bakit kaya?

Therese Arceo - June 01, 2023 - 11:26 PM

Carmi Martin may trauma sa lalaki, bakit kaya?

MUKHANG “single for life” na ang motto ng beteranang aktres na si Carmi Martin dahil sa kanyang naging karanasan sa mga kalalakihan.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan kasama niya si Niño Muhlach para i-promote ang kanilang pagtatambalang bagong serye na “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis”, ay natanong siya kung ano nga ba ang kanyang mga natutunan sa pakikipag-date sa mga lalaki.

“Na-trauma. Yes, I guess the reason why I decided to be single for the rest of my life and I dedicated my life to the Lord,” pagbabahagi ni Carmi.

Aniya, matapos ang naranasang trauma ay mas pinili na lang niya ang maging single habangbuhay.

Baka Bet Mo: Carmi sa kaso ni Roderick: Nabiktima siya, mas maraming big fish diyan, bakit hindi iyon ang unahin?

“I’m happy with my dogs, I’m happy everyday. Pero ‘yung tungkol sa mga lalaki right now, I’m done,” dagdag pa niya.

Well, masaya rin naman si Carmi ngayon dahil magbabalik telebisyon na siya.

Makakasama niya sa naturang action-comedy series ang mga bidang sina Bong Revilla, Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Samantala, nagbigay naman ng payo si Carmi sa mga artista na baguhan pa sa pag-arte.

“Kahit nadadapa ka, kasi marami ring rejections sa akin–never stop. Like for example, right now, sabihin nila na ‘Oh, parang hindi ka tumatanda?’ It’s an investment to look good, at ‘yung pangalagaan mo [sarili mo], health-wise kailangan din pangalagan mo ‘yung sarili mo.

“Ngayon marami ang natutuwa kasi nag-acting workshop ako. Ivana Chubbuck acting workshop. It’s an investment kasi gusto kong mas gumaling pa ako sa drama, alam kong marami pa akong matututunan sa craft ko,” sey ni Carmi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert

Carmi Martin naloka sa kilalang celeb: Hindi man lang nagso-sorry at nagbibigay-pugay sa mga beteranong artista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending