Roderick Paulate na-in love nga ba kay Carmi Martin?

Roderick never niligawan si Carmi: Alam ko naman kung saan ako pupuwesto

Ervin Santiago |February 01,2024
facebook
share this

Roderick never niligawan si Carmi: Alam ko naman kung saan ako pupuwesto

Ervin Santiago - February 01, 2024 - 07:00 AM

Roderick never niligawan si Carmi: Alam ko naman kung saan ako pupuwesto

Carmi Martin at Roderick Paulate

MARAMI ang naku-curious kung naging magdyowa nga ba sina Roderick Paulate at Carmi Martin noong kasagsagan ng kanilang tandem sa showbiz?

In fairness, talaga namang sikat na sikat noon ang tambalan nina Kuya Dick at Carmi sa mundo ng pelikula at telebisyon.

Nagkaroon pa nga sila ng TV show na patok na patok noong 1980s sa mga televiewers, ang musical-variety show na “Tonight with Dick and Carmi”.

Baka Bet Mo: Carmi sa kaso ni Roderick: Nabiktima siya, mas maraming big fish diyan, bakit hindi iyon ang unahin?

Sa guesting ng magkaibigan sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, January 30, natanong nga sila kung nagkahulugan ba sila ng loob noon.

“Wala bang panahon na naiba ang timpla? Nagkatitigan na iba?” ang diretsahang tanong ni Tito Boy kina Carmi at Roderick tungkol sa kanilang pagkakaibigan.

Sagot ni Kuya Dick, “Kasi noong panahon namin nakita ko ‘yung mga nakaaligid (kay Carmi), mga mestizo, eh. Ako naman magaling naman akong makiramdam.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


“Sa nakita ko parang hindi yata ako puwede pumasok diyan. Be realistic. Alam ko naman kung saan ako pupuwesto,” ang natawang biro ng award-winning comedian.

Baka Bet Mo: Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert

Pero proud ang dalawa na hanggang ngayon ay napanatili pa rin nila ang kanilang pagiging mabuting magkaibigan.

Magugunitang sa panayam din ni Tito Boy inamin ni Carmi ang mga natutunan niya pagdating sa pakikipag-date at pakikipagrelasyon.

“Na-trauma. Yes, I guess the reason why I decided to be single for the rest of my life and I dedicated my life to the Lord,” aniya.

Sey pa ng aktres, matapos ang naranasang trauma ay mas pinili na lang niya ang maging single habangbuhay, “I’m happy with my dogs, I’m happy everyday. Pero ‘yung tungkol sa mga lalaki right now, I’m done.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending