Carmi gustung-gustong mag-asawa't magkaanak: I kept on praying

Carmi gustung-gustong mag-asawa’t magkaanak: I kept on praying but…

Ervin Santiago - June 12, 2024 - 12:05 AM

Carmi gustung-gustong mag-asawa't magkaanak: I kept on praying but...

Carmi Martin

PANGARAP talaga ng seasoned actress at beteranang komedyana na si Carmi Martin ang magkaroon ng asawa’t mga anak.

Ngunit hindi raw siguro talaga siya itinadhana na magpakasal at magka-baby dahil hanggang ngayon, makalipas ang maraming taon, ay single na single pa rin siya.

Ayon kay Carmi, matagal na naman niyang natanggap ang katotohanan na posible siyang tumandang dalaga at masaya naman daw siya ngayon sa buhay niya kahit wala siyang karelasyon.

Baka Bet Mo: Carmi may inamin tungkol sa batang itsura; Kelvin nadala sa titig ni Albert

“It’s my choice pero before, it was not my choice talaga. Gustung-gusto ko talaga magkaroon ng asawa at mga anak, ‘yung magkaroon ng pamilya,” sabi ni Carmi sa panayam ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz para sa YouTube channel nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmi Martin (@misscarmi_)


Sabi pa ng veteran star, “I’m sure ‘pag nagka-ano, lumaki sa ‘Cinderella’ na parang may hinahangaan na alam mong one day mami-meet mo ‘yung prince charming mo.

“Eh, sa kasamaang-palad hindi po ako nagkaroon ng asawa,” dugtong ng aktres.

Sey ni Carmi, lahat daw ng naging dyowa niya noon ay matatalino at mayayaman, karamihan ay mga non-showbiz. Pero sa kabila nga ng lagi niyang pagdarasal ay wala pa ring dumarating na lalaking para talaga sa kanya.

“I kept on waiting, I kept on praying, I kept on having relationships na hindi alam sa showbiz.

Baka Bet Mo: Roderick never niligawan si Carmi: Alam ko naman kung saan ako pupuwesto

“Kasi karamihan ng mga boyfriend ko are non-showbiz. Na mga seven years, five years, three years and a half, at sila po ay mga matatalino at mayayaman na mga boss ng kumpanya,” sey ni Carmi.

Isa sa mga naging dyowa noon ng aktres ay ang dating aktor at host na si Apa Ongpin. In fairness, totoong minahal naman daw siya ni Apa pero hindi rin sila nagkatuluyan sa ending.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmi Martin (@misscarmi_)


Rebelasyon ni Carmi, “Hindi ako type nu’ng family. Si Apa talaga really loves me.

“Pero ‘yun nga, hindi rin ako komportable na para kaming nandu’n sa fishbowl. Na lahat ng tao nanonood, konting galaw ko, konting kibot ko nakasulat sa dyaryo. Hindi ako sanay. Mas gusto ko talaga ‘yung relationship na private,” ani Carmi.

Pag-amin pa niya kay Mama Ogs, “Na-traumatize ako from all the relationships I had. Finally noong sa last relationship, I really asked God.

“Sabi ko, ‘If this is not for me remove this lustful, parang urge from me at saka ‘yung desire to be married,'” sey ni Carmi Martin na enjoy na enjoy pa rin sa kanyang showbiz life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, bukod sa pag-aartista, isa na rin siyang Sunday school teacher.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending