Alden hindi pa handang mag-asawa't magkaanak

Alden hindi pa handang mag-asawa’t magkaanak, maligaya kahit walang dyowa

Ervin Santiago |January 08,2024
facebook
share this

Alden hindi pa handang mag-asawa’t magkaanak, maligaya kahit walang dyowa

Ervin Santiago - January 08, 2024 - 12:10 AM

Alden hindi pa handang mag-asawa't magkaanak, maligaya kahit walang dyowa

Alden Richards

AMINADO ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na napapaisip din siya kung minsan tungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon.

Nitong nagdaang January 2 ay nag-celebrate ang award-winning Kapuso Drama Prince ng kanyang 32nd birthday kasama ang kanyang pamilya.

Ayon kay Alden, hindi naman maiaalis sa isang tao ang mag-isip about his future – ang pagse-settle down at pagkakaroon ng mga anak.

Sey ng actor-TV host at producer, nakaka-feel din siya ng mga insecurities kapag lovelife na ang pinag-uusapan. Pero naniniwala raw siya na hindi dapat pinipilit ang isang bagay dahil may tamang panahon para sa lahat.

Sa interview ni Toni Gonzaga kay Alden para sa YouTube vlog nitong “Toni Talks,” diretsahan niyang sinabi na hindi pa siya handang lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya.

Baka Bet Mo: Julia Montes sa tanong kung engaged o kasal na sila ni Coco Martin: Let’s cross the bridge when we get there

Sey ni Alden, nitong mga nagdaang taon ay napapaisip siya kung kailangan na na talaga niyang mag-asawa dahil sa kanyang edad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pumasok na…’31 na ako wala pa akong asawa?’ Very Filipino way of, ‘Ilang taon ka na nga? Dapat mag-asawa ka na.’ ‘Yan ‘yung ipinagsasantabi ko all the time, na noong naabutan na ako, ‘Baka nga medyo nahuhuli na ako, baka masyado na akong nagpo-focus (sa career),'” sabi ni Alden.

Baka Bet Mo: Maris umaming maligaya sa piling ni Rico: I think it is very obvious…

Sundot na tanong ni Toni sa kanya kung handa na nga ba siyang magkaroon ng sariling family, “No I’m not. When you say settle down, parang ang gaan na word eh, ‘settle down.’ But ano ‘yung kaakibat ng settling down?”

Itinuturing ng aktor na “big responsibility” talaga ang pag-aasawa, “So right now, my company just started September of 2022, and I’m very much excited with the people who are very much interested to partner with us. Na sayang naman.”

“Goal-oriented, we know our priorities so hindi tayo kukuha ng isang bagay na hindi natin tatapusin,” sey ni Alden na ang tinutukoy ay ang Zodiac sign niyang Capricorn.

Sa ngayon, super happy naman daw si Alden sa kanyang buhay at career kahit walang dyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’m happy, perfectly happy with what I have, what I’m able to do at the moment, I seize every opportunity, sayang eh, there’s time for that (lovelife),” sabi pa ng Pambansang Bae.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending