Julia Montes sa tanong kung engaged o kasal na sila ni Coco Martin: Let's cross the bridge when we get there | Bandera

Julia Montes sa tanong kung engaged o kasal na sila ni Coco Martin: Let’s cross the bridge when we get there

Therese Arceo |October 06,2023
facebook
share this

Julia Montes sa tanong kung engaged o kasal na sila ni Coco Martin: Let’s cross the bridge when we get there

Therese Arceo - October 06, 2023 - 10:47 AM

Julia Montes sa tanong kung engaged o kasal na sila ni Coco Martin: Let's cross the bridge when we get there
WALANG direktang pag-amin ang Kapamilya actress na si Julia Montes ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ng Kapamilya actor-director na si Coco Martin.

Nitong Huwebes, October 5, nag-guest si Julia Montes sa “Fast Talk with Boy Abunda” para i-promote ang kanilang upcoming movie ni Alden Richards na “Five Break Ups and a Romance”.

Ngunit hindi nakaligtas si Julia sa mga tanong ni Tito Boy hinggil sa kung engaged o kasal na nga ba sila ng “FPJ’s Batang Quiapo” lead star.

Sa segment na “Talk or Dare” pinapili ang aktres kung sasagutin niya ang itatanong sa kanya o pipiliing manahimik ngunit kapalit nito ay kinakailangan niyang sumayaw ng todo on national TV.

Matatandaang kamakailan lang nang mag-trending ang suot suot na diamond rings ni Julia sa nagdaang ABS-CBN Ball 2023.

At dahil nga rito ay muling nabuhay ang chika kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Coco.

Baka Bet Mo: Alden Richards, Julia Montes matindi ang ‘laplapan’ scene sa ‘Five Break-ups and a Romance’, Direk Antoinette Jadaone nagulantang

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Tanong ni Boy, “Julia, my question is engaged na ba kayo, kasal na ba kayo? Ano ba ang inyong estado ni Coco Martin?”

Bago sagutin ng aktres ang tanong ay maririnig ang hiyawan mula sa audience.

Sey ni Julia, “Parang mas nakaka-stress po kasi ‘yung dare e. Parang mai-stress po ako doon sa dare… sa hataw.”

Kaya naman nagdesisyon na lang itong sagutin ang tanong ni Boy na ikinasaya ng madla.

“Let’s cross the bridge when we get there,” ang tanging sagot ni Julia.

“Yun lang. Pwede ba ‘yun? Ok na po ‘yun, please?” pakiusap pa ng aktres.

Samantala, inamin naman ni Julia na “very happy” siya ngayon sa kanyang buhay.

Related Chika:
‘Anak’ ni Julia Montes dalagita na, hirit ng netizens: ‘Magkamukha sila, magaling din sa aktingan!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens nag-alala sa ‘wasak na puso’ post ni Julia Montes sa socmed, may konek kaya sa lovelife?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending