Alden Richards tinitigan ni Toni Gonzaga: Ang dami mong kamukha

Alden Richards ‘tinitigan’ ni Toni Gonzaga: Ang dami mong kamukha

Therese Arceo |January 04,2024
facebook
share this

Alden Richards ‘tinitigan’ ni Toni Gonzaga: Ang dami mong kamukha

Therese Arceo - January 04, 2024 - 12:04 AM

Alden Richards 'tinitigan' ni Toni Gonzaga: Ang dami mong kamukha

Alden Richards

HINDI napigilan ng actress-singer at vlogger na si Toni Gonzaga ang mapatitig sa aktor na si Alden Richards.

Noong Martes, January 2, na-interview ni Toni ang Kapuso actor na mapapanuod sa kanyang YouTube channel.

Dito ay sinagot ni Alden ang iba’t ibang isyu na ibinabato sa kanya ng madlang pipol.

Ilan na nga sa mga ito ay ang diumano’y pagkakaroon nila ng anak ni Maine na inakala niyang mawawala dahil kasal na ito sa actor-politician na si Arjo Atayde.

Nagbigay pahayag rin si Alden ukol sa patuloy na pagkuwestiyon ng mga tao sa kanyang kasarian.

Ngunit bago pa man niya sagutin ang mga isyu ay may napansin na agad sa kanya si Toni sa simula pa lang ng kanilang pag-uusap.

“Noong bata ka, sinasabihan ka na ba na pang-artista ‘yung itsura mo?” tanong ni Toni kay Alden.

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi alam mo, habang nagsasalita ka, nakatitig ako sa ‘yo. In person pala, ang dami mong kamukha. May nagsabi na sa ‘yo n’un?”

Baka Bet Mo: Alden Richards na-miss ang namayapang ina sa isang eksena sa ‘Family of Two’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Natawa naman si Alden sa naging obserbasyon ni Toni.

“Habang nakaganun ka, nakikita ko si John Lloyd. Ngayong humarap ka minsan may pagka-Diether,” chika pa ni Toni.

“Susmaryosep, karami!” sey naman ni Alden.

“So marami nang nagsabi sa ‘yo na marami kang kahawig na artista?” hirit muli ni Toni.

Sagot ni Alden, “Oo. Number 1 diyan si Idan (John Lloyd Cruz). Number 2 Joshua Garcia.”

Agree naman si Toni na kamukha talaga ng Kapuso actor si John Lloyd.

Ani Toni, may pagka-Diether Ocampo rin si Alden sa unang tingin. May hawig rin ito kay Hero Angeles na nakilala sa “Star Circle Quest”.

Natanong naman siya kung naging mahirap sa kanya ang maraming kahawig sa industriya lalo na noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes. Actually, ‘yun ang sinasabi nila po na kapag may kamukha raw, hindi raw po mararating ang gustong puntahan,” sabi ni Alden.

Ngunit napatunayan naman ng aktor na hindi hadlang ang pagkakaroon niya ng ka-look alikes dahil isa na siya sa mga kinikilalang premyadong aktor sa industriya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending