Pagbabalik daw ni Toni Gonzaga sa PBB ng ABS-CBN ibo-boycott ng netizens

Pagbabalik daw ni Toni Gonzaga sa ‘PBB’ ng ABS-CBN ibo-boycott ng netizens

Therese Arceo |November 15,2023
facebook
share this

Pagbabalik daw ni Toni Gonzaga sa ‘PBB’ ng ABS-CBN ibo-boycott ng netizens

Therese Arceo - November 15, 2023 - 12:37 PM

Pagbabalik daw ni Toni Gonzaga sa PBB ng ABS-CBN ibo-boycott ng netizens

Toni Gonzaga

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang chikang muli raw magbabalik ang singer-actress na si Toni Gonzaga sa ABS-CBN.

Ito ay matapos kumalat ang isang artcard kung saan nagsasabing magbabalik-Kapamilya ang singer-actress at magiging parte ng isang sikat na show.

Tila ang tinutukoy na ABS-CBN show ay ang muling pagbubukas ng “Pinoy Big Brother” kung saan nagsilbing main host si Toni ng ilang taon.

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang netizens ang balitang pagbabalik ng singer-actress sa kanyang dating home network.

“Kung totoo na binalik si Toni Gonzaga sa ABS-CBN, boycott malala yan. Dapat di na yan binabalik,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “sobrang fan ako ng pbb since season 1… sobrang shunga nman ng @ABSCBN pag ibinalik nila si TONI GONZAGA, kitang kita nmin paano nag suffer last season sa pag iwan nya sa ere ng show, Boycott PBB pag nagkataon.”

Baka Bet Mo: Eric Fructuoso umaming naging dyowa si Toni Gonzaga, tumagal din ng 3 years ang relasyon

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“ABS-CBN, you don’t need Toni Gonzaga. There are many great hosts, actresses/actors, performers that can do her job. If it’s hosting PBB, let Luis Manzano do it. He will ace it for sure,” hirit naman ng isa.

Chika naman ng isa, “Mag-iingay talaga kami sa socmed, pag nagyari to. ‘Wag niyo kalimutan nangyari sa Shopee @ABSCBN @PBBabscbn @direklauren.”

Matatandaang nag-resign noong February 2022 si Toni sa “Pinoy Big Brother” matapos siyang i-call out ng netizens sa pag-eendorso kay Rodante Marcoleta na isa sa mga bumoto laban sa muling pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

“It has been my greatest honor to host PBB for 16 years. Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy,” saad ni Toni sa kanyang Instagram post noon.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon kung totoo nga bang magbabalik si Toni sa ABS-CBN para maging host ng “Pinoy Big Brother”.

Bukod pa rito, may kontrata pa ang aktres sa ALLTV na network ng pamilya Villar.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Gonzaga ibinandera si Baby Polly: You are the greatest reward I’ve ever held in my arms

Sam Milby tumatanaw ng utang na loob kay Toni Gonzaga; walang planong layasan ang ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending