Roderick Paulate ‘guilty’ sa kasong graft at falsification of public documents kaugnay ng ghost employees
NAHATULAN sa 7th Division ng Sandiganbayan ang dating konsehal ng 2nd District ng Quezon City na si Roderick Paulate ng graft at nine counts of falsification of public documents at puwede siyang makulong ng 10-62 years.
Napakinggan namin ang balitang ito na hinabol ng Executive Producer na si Von Belinario sa Cristy Ferminute program nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa Radyo5 92.3 News FM
“Diyosko, 62 years! Ilang taon na si Kuya Dick ngayon? Aba, e, di uugod-ugod na siya kapag natupad ang parusang ito? Me apela pa naman ito Sandiganbayan.
“Si dating konsehal Roderick Paulate po at alam naman natin kung ano ang kuwentong nakapaloob dito at hindi na natin ide-detalye pa baka sabihin, e, ipinagtatanggol natin an gating kasamahan sa industriya.
“Tingnan po natin kung ano ang ikauuwian ng kasong ito one graft at nine counts of falsification of documents,” pahayag ni‘nay Cristy habang binabasa ang mensahe sa kanya tungkol kay kuya Dick.
Edad 62 na ngayon ang dating aktor at konsehal na naisyuhan siya noon sa pagkuha ng ghost contractors sa kanyang opisina mula Hulyo – Nobyembre 2010 na naging dahilan para hainan siya ng kaso noong 2018 sa Office of Ombudsman.
View this post on Instagram
Pagkakakulong ng walong taon sa kasong graft at anim na taong kulong sa bawa’t count ng falsification of public documents.
Ang mga kinakaharap na kaso ni kuya Dick ay ang paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act
falsification by a public officer, falsification of public document (8 counts).
Kaugnay sa kasong graft conviction ay disqualified na si kuya Dick na humawak ng public office for life.
Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Mr. Roderick Paulate.
Related Chika:
Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!
Roderick Paulate hindi nabasahan ng sakdal
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.