Suspensyon ni Roderick Paulate tuloy – Sandiganbayan
IBINASURA ng Sandiganbayan Seventh Division ang hiniling ni Quezon City Councilor Roderick Paulate na bawiin ang ipinalabas nitong suspension order laban sa kanya kaugnay ng kinakaharap na graft case.
Sa walong pahinang resolusyon, sinabi ng korte na wala itong nakitang merito sa motion for reconsideration na inihain ni Paulate laban sa 90-araw na preventive suspension order na ipinalabas nito.
“Nevertheless, the Court steadfastly assured accused that it is apolitical and will not in anyway, engage in partisan politics that would erode the public’s trust to it as an institution,” saad ng desisyon.
Sa kanyang mosyon, sinabi ni Paulate na nag-adjourn na sesyon ng City Council kaya malabo na maimpluwensyahan pa nito ang mga testigo o ebidensya na konektado sa kanyang kaso.
Magagamit din umano ang desisyon ng korte ng kanyang mga kalaban sa pulitika. Si Paulate ay tumatakbong vice mayor sa 2019 polls.
“The Court has no other option except to immediately impose it. There is no reason to delay its imposition or to defer it. Otherwise, it would give undue preference to accused Paulate to the prejudice of other public officials who were meted the same.”
Ang kaso ay kaugnay ng 30 ghost employees umano na pinasuweldo ni Paulate noong 2010. Sumahod ang mga ito ng P1.1 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.