LA Santos bumilib sa mga nagtatrabaho sa karinderya: ‘Grabe yung buhay nila, karamihan sa kanila galing pa sa probinsya’
MATINDI palang sacrifice ang ginawa ni LA Santos in preparation for his forthcoming movie “Maple Leaf Dreams”.
Bilang Macky, matinding immersion ang ginawa ni LA na nag-train bilang waiter at dishwasher sa isang carindera sa Makati.
Ginawa niya ito sa loob ng isang linggo bago siya magtungo sa Canada para sa shooting ng kanilang first movie ni Kira Balinger.
View this post on Instagram
Bilang Macky, ginagampanan ni LA ang role na isang former manager of a restaurant in the Philippines bago siya nagpunta sa Canada kung saan namasukan siya bilang waiter, janitor at dishwasher.
“I worked in a carinderia in Makati. Nag-waiter, naglinis ng CR, naghugas ng mga pinggan for almost a week. Nag-MRT ako and nag-commute. Isinabuhay ko talaga si Macky,” say ni LA sa aming exclusive interview sa kanya sa storycon ng movie.
Para kay LA, si Macky ang tunay na nagre-represent ng tunay na Pinoy na mapagmahal, matiyaga at marunong magsakripisyo.
“Si Macky ang nagre-represent sa mga taong nagsasakripisyo para sa mga pamilya nila, sa mga taong nagtatrabaho kahit holiday,” say niya.
View this post on Instagram
Sa kanyang halos isang linggong pagtatrabaho sa isang karinderya ay maraming na-realize si LA bilang isang tao. Marami siyang natutunan sa mga kasamahan niya sa karinderya na ikinahanga niya sa mga ito.
“Grabe ‘yung mga taong nagtatrabaho sa karinderya, ‘yung mga pinagdadaanan nila. Grabe ang buhay nila kasi ang mga iba sa kanila ay sa probinsiya pa nakatira, sa Palawan, malalayong lugar.
“Hindi nila kasama ang mga pamilya nila. Siguro isang beses sa isang taon lang sila nakakauwi (sa probinsiya),” say niya.
Sa nasabing storycon, naging emotional si Malou Crisologo nang matanong siya about LA. Parang siya kasi ang acting coach ng actor at tinulungan niya ito na maisabuhay ang kanyang character.
“Kinalkal ko lang naman kung ano ‘yung goldmine sa loob ni LA Santos. Inalis ko ‘yun…kasi mayaman siya, eh. Inalis ko ‘yun.
“Sabi ko, ‘hindi kita tinitingnan as mayaman. Kung eng-eng ka sa pag-arte,’ wag na nating sayangin ang panahon natin pareho. Pero masipag kasi siya mag-aral,” say ni Malou na teary-eyed na.
Directed by Benedict Mique and written by Hanna Cruz, “Maple Leaf Dreams” also stars Snooky Serna, Joey Marquez, Jhong Cuenco. It is produced by Lonewolf Films in cooperation with JRB Creative Production and Star Magic.
Tom Rodriguez wala pang planong magkaroon ng bagong pag-ibig: Gusto kong buuin ‘yung sarili ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.