LA Santos todo tanggol kay Jane de Leon laban sa bashers: Hindi n'yo lang alam kung ano'ng klase talaga siyang tao | Bandera

LA Santos todo tanggol kay Jane de Leon laban sa bashers: Hindi n’yo lang alam kung ano’ng klase talaga siyang tao

Ervin Santiago |December 04,2022
facebook
share this

LA Santos todo tanggol kay Jane de Leon laban sa bashers: Hindi n’yo lang alam kung ano’ng klase talaga siyang tao

Ervin Santiago - December 04, 2022 - 08:19 AM

LA Santos todo tanggol kay Jane de Leon laban sa bashers: Hindi n'yo lang alam kung ano'ng klase talaga siyang tao

Jane de Leon at LA Santos

IPINAGTANGGOL ng singer-actor na si LA Santos si Jane de Leon sa mga taong patuloy na nangnenega at nanlalait sa dalaga lalo na sa  pagganap nito bilang bagong “Darna.”

Isa si LA sa cast members ng action-drama-fantasy series ng ABS-CBN na “Mars Ravelo’s Darna” (bilang si Richard, isang paramedic) at saksi siya sa hirap at sakripisyo ni Jane sa nasabing programa.

Natanong namin si LA kung paano niya ipinagtatanggol si Jane sa bashers at haters, “Ang way lang ng pagde-defend ko kay Jane, pinapatawa ko lang siya, e. Pinapa-smile ko siya.

“Pinapaalaala ko lang sa kanya na ano, lahat ng nandiyan para suportahan ka. Lahat ng iyan may reason kung bakit nandiyan.

“She really takes it as ano, push sa kanya. Kaya yun nga yung na-appreciate ko sa kanya. Never niyang tinake as negatively yung mga comment na yun. Tinake niya yun as a way to push herself.

“’Tapos, nakita talaga namin, minsan nga dyinu-joke-joke na lang namin yung mga ganoon. Hindi siya affected. Kaya nga po ano e, sobrang nakikita ko talaga sa kanya si Darna,” tugon ng aktor at recording artist.

Reaksyon naman ni LA sa mga nagsasabing hindi nila ma-feel ang pagiging “superhero” ni Jane, lalo na sa tunay na buhay.

“Kung alam n’yo lang, si Jane sobrang heart of gold din. Isa siya sa mga may soft spot para sa mga bata. May nakita ako na may mga tinulungan siya na dating ano, e, mga bata for Darna.

“Si Jane, pagdating sa mga bata, like sina Jude (anak nina Janella Salvador at Markus Paterson) or pagdating sa ibang baby na nakakasama niya, may soft spot siya doon.

“Parang may tinutulungan siya dati na mga bata, pinapakain niya sa labas ganoon. Parang one time may taping kami sa labas. Yung mga natirang taping food sa amin, yun.

“Ipinamigay niya lahat yun sa mga nandoon. Hindi yun alam ng mga tao. Yeah, she’s a real Darna for me,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Pinuri rin ng binata ang pagiging “Darna” ni Jane, “Very, very amazing. Masasabi ko lang kay Ms. Jane, I’m so proud of her. Parang nakita ko rin talaga kung paano niya pinaghirapan, e.

“Hindi niyo lang po nakikita, pero nu’ng mga bandang first and second cycle, ano po iyang si Jane…kunyari, after taping, pupunta pa iyan sa editing. Babantayan pa niya yung edit niya. Kahit mga bandang 1 a.m. or 2 a.m. na, iniisa-isa pa po niya lahat.

“Tapos, na-appreciate ko po sa kanya, binabantayan niya rin kaming mga ano, mga support niya po. Kunyari, meron siyang hindi gustong eksena, kahit ako po, for example, pag hindi niya nagustuhan yung ibinigay ko, sasabihan niya po talaga ako.

“Kaya yun po yung sobrang na-appreciate ko sa kanya kasi sobrang ano po, e, she’s very critical and binabantayan talaga yung product namin dito sa Darna.

“Kaya sobrang proud ako sa kanya. Sobrang deserved niya yung nangyayari sa kanya,” pagbabahagi pa ni LA.

Samantala, napag-usapan din ang  pag-amin niya noon na super crush niya si Janella Salvador, na gumaganap naman sa “Darna” bilang si Valentina.

At nang magkita nga sila sa taping ni Janella, “To be honest, super na-starstruck po ako sa kanya. Kinilig din. Kinilig na rin. Masasabi natin talaga na mas maganda siya in person.

“Inasar niya agad ako. Sabi niya, ‘Balita ko crush mo ako.’ Yung ganoon po. Ha-hahaha! Tapos, sabi pa niya, ‘Nabasa ko yun, ha?’ Sabi ko, ‘Suwerte mo!’ Hindi, joke lang. Ha-hahaha!

“Parang na-develop lang din talaga yung friendship naming dalawa. Kaya po para kaming naging magkapatid dahil doon nga nag-start, e. Kumbaga, yun na yung naging icebreaker namin,” sabi pa ni LA.

Nakita na rin daw niya ang baby nina Janella at Marcus na si Jude, “Actually ano po, e, hindi ko lang alam kung gusto niyang pa-share. Pero ako po yung ninong. Opo, kinuha niya akong ninong para kay baby Jude,”sabi pa ni LA.

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

LA Santos hinding-hindi malilimutan ang payo ni Jodi Sta. Maria; dream role ang maging anak ni Ian Veneracion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending