LA Santos hinding-hindi malilimutan ang payo ni Jodi Sta. Maria; dream role ang maging anak ni Ian Veneracion
KUNG mabibigyan pa ng magaganda at mas challenging projects ang Kapamilya actor-singer na si LA Santos, siguradong malayo pa ang mararating ng kanyang showbiz career.
Napapanood ngayon ang binata sa Kapamilya action-fantasy series na “Darna” na pinagbibidahan nina Jane de Leon, Janella Salvador at Joshua Garcia.
Ginagampanan niya rito ang karakter ni Richard Miscala, isa sa mga miyembro ng paramedic team. Siya ang kumanta ng isa sa mga themesong ng “Darna”, ang “‘Di Maghihiwalay.”
Nakachikahan namin si LA recently kasama ang ilang piling miyembro ng entertainment writers at vloggers at dito nga siya nagkuwento ng ilang detalye about his career.
Una siyang ipinakilala bilang recording artist under Star Music noong 2017 at naging frontman ng grupong 7K Sounds noong 2020. Pero sa ngayon, mas nagko-concentrate siya sa pagiging aktor.
“Na-attach po ako mismo sa art of acting. Ever since, never naman po ako na-attract sa acting dahil sa fame o sa pera. Na-in love ako sa experience na para akong napupunta sa ibang mundo,” pahayag ni LA na pang-matinee idol din ang datingan.
Kahit medyo baguhan pa lamang sa larangan ng pag-arte, marami ang nagsasabi na natural kay LA ang pagiging artista lalo na sa “Darna.”
“May one-on-one workshop po ako with Ms. Malou Crisologo. The seasoned actress made a mark with her stints in FPJ’s Ang Probinsyano and The Broken Marriage Vow,” aniya.
Ayon pa sa binata, baon-baon niya ang mga payo ng mga celebrities n nakatrabaho niya sa kanyang past projects, kabilang na riyan sina Sam Milby, Iza Calzado at Jodi Sta. Maria sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”
“Take your time, mag-relax, at huwag mag-overthink,” ang ilan daw sa mga advice sa kanya ng senior stars.
View this post on Instagram
Pero may isang payo raw talaga na tumatak sa kanya habang ginagawa ang seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin”, “’Yung pinakanag-stick po sa akin galing kay Ms. Jodi Sta. Maria. Sinabi niya po sa akin na huwag na huwag kakalimutan kung bakit ko ito ginagawa.
“Maganda pong reminder to think about my purpose ‘yung sinabi po ni Ms. Jodi,” aniya pa.
Tungkol naman sa working relationship niya sa kanyang “Darna” co-stars na sina Joshua, Janella at Jane, “Parang family na rin talaga po kami. Nakabauo kami ng family dito sa Darna. Ang pinaka-naa-appreciate ko po kina Jane, Janella, at Josh, nagtutulungan po kami. Sobrang bait talaga.”
Kung may isa raw siyang dream role na nais matupad ito ay, “Gusto ko po talagang maging anak ni Ian Veneracion sa isang teleserye.”
Pag-amin pa niya, “Personally, sa acting ko na po nakikita ang career path ko po eh. ‘Yung music ko po at pagiging singer sobrang blessed ko na lang po. Kumbaga, bonus na lang.”
Samantala, kung hindi raw siya napadpad sa showbiz baka raw isa siyang veterinarian, “Next to music and acting, animals po talaga passion ko. Someday din po, gusto ko pong makabuo ng zoo.”
At tungkol naman sa lovelife, ang maikling sagot ni LA ay, “Puwede naman po may love life. Aayusin lang ang priorities.”
Tom Rodriguez wala pang planong magkaroon ng bagong pag-ibig: Gusto kong buuin ‘yung sarili ko
Payo kay Kakai: Ipagawa mo ang ipin mo, may potential kang maging sikat na singer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.