Oyo sinunod ang payo ni Bossing nu'ng kasal nila ni Kristine: 'Wag mo lang ako gagayahin, okay ka na!' | Bandera

Oyo sinunod ang payo ni Bossing nu’ng kasal nila ni Kristine: ‘Wag mo lang ako gagayahin, okay ka na!’

Ervin Santiago |October 24,2021
facebook
share this

Oyo sinunod ang payo ni Bossing nu’ng kasal nila ni Kristine: ‘Wag mo lang ako gagayahin, okay ka na!’

Ervin Santiago - October 24, 2021 - 08:35 AM

Kristine Hermosa, Oyo Sotto, Vic Sotto at Pauleen Luna

HANGGANG ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ni Oyo Sotto ang payo na ibinigay sa kanya ng amang si Vic Sotto noong ikinasal sila ni Kristine Hermosa.

Isa raw ito sa mga advice ni Bossing na talagang isinasabuhay niya kaya naman mas lalo pang tumibay ang pagmamahalan pagsasama nila ni Tintin habang lumilipas ang panahon.

Naikuwento ni Oyo ang tungkol dito sa naganap na virtual presscon para sa Kapuso comedy show na “Daddy’s Gurl” na pinagbibidahan ng amang si Bossing at ni Maine Mendoza.

“Ang pinakahindi ko makakalimutan na advice ni Daddy nu’ng wedding namin ni Kristine, sabi niya ‘ang pinaka-advice na mabibigay ko sa ‘yo, huwag mo lang ako gagayahin, okay ka.’ Daddy naaalala mo ‘yun ah,” pahayag ni Oyo.

Sagot naman ng kanyang ama, “Hindi naman biro ‘yun, seryoso naman ‘yun.” 

Sey ni Oyo, “Kaya nga sineryoso ko nga.” Na hiniritan naman ni Vic ng,  “Okay very good!” 

Samantala, pinuri at nagpasalamat din ang mister ni Kristine kay Bossing pati na rin sa inang si Dina Bonnevie, “Thankful ako sa nangyari kasi yung mga nangyari sa amin ng kapatid ko (Danica Sotto), kasi hindi naman kami magiging ganito kung hindi dahil sa mga sitwasyon na ‘yun, sa totoo iba-iba eh ‘yung mga nangyayari sa ating mga tao.”

Aniya pa, “Happy ako kasi iba ‘yung relationship namin ni daddy ngayon, mas matibay, mas masaya kami, kumbaga mas gugustuhin ko na na ganito, kumbaga walang regret, walang halong gamit, inis or hate, we accepted it, lahat ng nangyari sa ‘min eh kami ng kapatid ko.

“We’re happy na ganito ‘yung kinalabasan, maaring hindi nagkatuluyan ‘yung nanay namin tsaka si daddy pero ang importante masaya kami ngayon kung nasaan kami,” dire-diretsong pahayag ng aktor.

Kristine todo puri kay Oyo: Thank you for always standing by me, payat man o mataba ako, may lash extensions man o wala…

Last August, isinilang ni Kristine ang ikalimang anak nila ni Oyo na pinangalanan nilang Vittorio Isaac. Ikinasal ang showbiz couple noong 2011. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa kanilang mga negosyo ni Kristine, tuloy pa rin ang acting career ni Oyo sa pamamagitan ng  “Daddy’s Gurl” na napapanood sa GMA tuwing Sabado ng gabi, sa direksyon ni Chris Martinez.

Bukod kina Bossing at Maine, kasama rin sa programa na nasa ikatlong taon na ngayon, sina Wally Bayola at Angelika dela Cruz. Pasok na rin bilang bagong members ng cast ang mga Kapuso cuties na sina Prince Clemente, Prince Carlos, Jem Manicad at Carlo San Juan.

Hirit ni Oyo sa bagong baby boy nila ni Tintin: So paano na Lord, ibig ba sabihin may kasunod pa ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending