Tom Rodriguez wala pang planong magkaroon ng bagong pag-ibig: Gusto kong buuin 'yung sarili ko | Bandera

Tom Rodriguez wala pang planong magkaroon ng bagong pag-ibig: Gusto kong buuin ‘yung sarili ko

Therese Arceo |October 01,2022
facebook
share this

Tom Rodriguez wala pang planong magkaroon ng bagong pag-ibig: Gusto kong buuin ‘yung sarili ko

Therese Arceo - October 01, 2022 - 01:49 PM

Tom Rodriguez wala pang planong magkaroon ng bagong pag-ibig: Gusto kong buuin 'yung sarili ko
KASALUKUYANG nasa Las Vegas ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez para i-celebrate ang kanyang birthday.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay ibibahagi niya ang naging kumustahan nila ng aktor sa pamamagitan ng video call.

“Nandito ako sa Las Vegas. Ine-enjoy ko ‘yung birthday week ko,” pagbabahagi ni Tom.

Napansin naman ni Ogie ang tila pagpayat ng aktor na inaakala niya’y tataba lalo na’t kasama nito ang kanyang pamilya.

Salungat naman ni Tom, kain raw siya ng kain sa Amerika at mas nagkaka-muscle siya at lumulusog nang muli.

“My brother has been helping me out. ‘Yung kapatid ko ang trainer ko. ‘Yung pag-diet, pag-work out, so I’ve neen really blessed na nando’n siya,” pagbabahagi niya.

Dahil nga kaarawan ng aktor ay natanong siya ni Ogie kung mayroon ba siyang birthday wish.

“Birthday wish ko? Actually halos lahat ngayon natupad na. I’ve been through a dark night of the soul these past few months. And a lot of things that I didn’t think I would make it through,” sagot ni Tom.

Dagdag pa niya, “But ny family has been [there] all throughout. The kindness of strangers, people I’ve just met, people I’ve known before, who have truly helped me along. Kaya sabi ko nga like I never felt like I was alone throughout the whole process. Kahit gaano kahirap minsan, I’m happy. So right now, wala na.”

Ang tanging hiling na lang siguro niya ay ang magpatuloy pa ang kanyang paghilom.

Sey pa ni Tom, “Sana continuous na lang. Sana I can keep going in this new path, in this new chapter of my life na may respeto sa sarili ulit. And I can continue towards the righteous path.

Aniya, may mga points raw sa kanyang buhay kung saan nawala ang respeto niya sa kanyang sarili kaya ngayon ay masaya siya dahil unti-unti na itong nanunumbalik.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

 

Sinigurado rin niya na magbabalik rin siya soon sa Pilipinas lalo na at may nilulutongvbagong proyekto ang kanyang home network para sa kanya.

“Mahal na mahal ko ang Pilipinas. Babalik ako dyan. In fact, I think my home network, GMA, has been kind enough to support me through it all,” lahad ni Tom.

Dalangin rin niya, “Just hopefully like happy, healthy hearts and healing for everyone. I mean everyone in the world. Na sana mapatawad nating lahat ang mga sarili natin first and foremost at ang isa’t isa.”

Pinili na lang rin ni Tom na huwag magsalita nang tanungin siya ni Ogie kung nagkakaroon na ba siya ng komunikasyon ng dating asawang si Carla Abellana.

“I would rather refrain na lang po from commenting. And at the same time, I’m happily moving on in my own path. I hope, I wish the same for her,” lahad ng aktor.

Sa tanong kung may bago na nga bang nagpapasaya sa kanyang puso, inamin niyang hindi ito ang kanyang priority.

“It’s not what I’m looking for right now. Gusto kong buuin ‘yung sarili ko. Ini-enjoy ko ‘to na binubuo ko ‘yung sarili ko and yet I’m not stopping or closing my doors to anything—experiences or anyone here. I’m just enjoying my life.”

Pag-amin niya, hindi pa rin siya fully healed sa mga nangyari at mga kinasangkutang kontrobersya sa mga nakalipas na buwan.

Chika ni Tom, “Parang ano siya, sabi ko nga parang bonsai tree na parang araw-araw mo inaalagaan. Like the way I’m trying to curate my own thoughts, just trying to keep positive.”

Bukod pa rito, pinili na rin ng aktor na huwag nang pansinin ang mga intrigang ibinabato sa kanya.

“Wala na. Whatever it is, whatever people wanna think, it really doesn’t matter. It’s my family, my loved ones, myself, okay na ‘yung alam ko.

“It doesn’t really bother me so everyone is free to speculate or think whatever they want. I’m giving them permission to. OK lang sa akin,” sey ni Tom.

Related Chika:
Tom Rodriguez maayos ang lagay sa Amerika, miss na ang mga kaibigan sa Pilipinas

Tom Rodriguez miss na miss pa rin si Carla Abellana, laging iniiyakan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending