Tom Rodriguez miss na miss pa rin si Carla Abellana, laging iniiyakan | Bandera

Tom Rodriguez miss na miss pa rin si Carla Abellana, laging iniiyakan

Therese Arceo |September 10,2022
facebook
share this

Tom Rodriguez miss na miss pa rin si Carla Abellana, laging iniiyakan

Therese Arceo - September 10, 2022 - 11:35 PM

Tom Rodriguez miss na miss pa rin si Carla Abellana, laging iniiyakan
NAGING isa sa mga personalidad na pinag-usapan nina Ogie Diaz ang Kapuso star na si Tom Rodriguez sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update”.

Ayon sa talent manager, hanggang ngayon raw ay nami-miss pa rin ng aktor ang kanyang dating asawa na si Carla Abellana.

“According to my friend, si Tom [Rodriguez] sobrang nami-miss si Carla kahit nasa US na at kasama ang kaniyang pamilya. Sobrang nami-miss si Carla. Once in a while, umiiyak pa rin si Tom kapag naalala niya si Carla,” saad ni Ogie.

Sa kabila ng pag-e-enjoy ng aktor sa Amerika kasama ang kanyang pamilya, mukhang hindi pa rin siya nakaka-move on sa nangyari sa kanilang relasyon.

“Kumbaga pinipilit ni Tom na makalimot, pansamantala. Pero ‘pag siya ang nag-iisa na at nag-iisip-isip, naalala niya si Carla,” pagpapatuloy ni Ogie.

Chika pa ng talent manager, talagang mahal pa rin ng aktor ang asawa ngunit gusto na nga raw bumitiw at makipaghiwalay ni Carla.

Naikuwento rin nito na paunti-unti ay tumatanggap na ng raket si Tom sa ibang bansa habang hindi pa ito nakakabalik ng Pilipinas.

Sey ni Ogie, mayroon pa rin naman daw kontrata ang aktor sa Kapuso network at labis nga ang pagpapasalamat nito sa GMA 7 dahil naiintindihan nito ang sitwasyon niya at pinayagan siyang magpahinga sa ibang bansa matapos ang kontrobersya sa pagitan nila ni Carla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

Nilinaw rin ni Ogie na ayon sa kanyang source ay wala namang katotohanan ang mga lumabas na kuwento noon ukol sa pambababae ni Tom.

Pati na rin ang napabalitang P24 million na halagang na-scam sa aktor mula sa ipon nilang mag-asawa ay hindi rin daw totoo.

Matatandaang nitong June nang ianunsyo ni Tom sa publiko ang kumpirmasyon ng kanilang divorce matapos ang ilang buwang espekulasyon ukol sa estado ng relasyon nila ni Carla.

Related Chika:
Tom Rodriguez maayos ang lagay sa Amerika, miss na ang mga kaibigan sa Pilipinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending