Kira Balinger, LA Santos naranasang mag-MRT, tricycle papunta sa 'trabaho', mas tumaas ang respeto sa mga OFW | Bandera

Kira Balinger, LA Santos naranasang mag-MRT, tricycle papunta sa ‘trabaho’, mas tumaas ang respeto sa mga OFW

Reggee Bonoan - May 07, 2023 - 09:20 PM

Kira Balinger, LA Santos naranasang mag-MRT, tricycle papasok sa 'trabaho', mas tumaas ang respeto sa mga OFW

Kira Balinger at LA Santos

KA-CHAT namin si Direk Benedict Mique sa Facebook at inalam namin kung kumusta ang shooting nila sa Toronto, Canada.

Umalis ang Team “Maple Leaf Dreams” noong Mayo 3 kasama ang dalawang bidang sina LA Santos at Kira Balinger at magtatagal sila roon ng dalawang linggo.

Sabi ng direktor, “Hindi kami nagpo-post if you can see, parang barkadahan lang na trip. Okay naman may pictorial kami habang namamasyal. Ganda ng visuals at maganda tingnan sina Kira at LA, guwapo at maganda sila rito.”

Dagdag pa niya, “And looking at possible locations and immersing.”

Hindi na pala waiter ang gagampanang karakter ni LA bilang si Macky dahil dishwasher, janitor o cleaner na pero kayang-kaya ito ng aktor dahil nag-immerse naman siya rito sa Pilipinas at nasubukan niya ang lahat ng klaseng trabaho pati sa junkshop.

Nakakuwentuhan namin si LA sa nakaraang storycon ng “Maple Leaf Dreams” at inamin niyang ang hirap ng immersion na ginawa nila ni Kira.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LA SANTOS (@lasantos27)


“Yes po, ‘yung immersion sa akin sobrang eye-opener po kasi nakita ko ‘yung reyalidad na buhay ng mga Pinoy saka nakilala ko po ‘yung mga taong nagsasakripisyo po na kahit holiday o Pasko ay nagtatrabaho pa rin, grabe po mga ginagawa nila para sa pamilya nila.

“Kaya na-realize ko rin po dahil sa immersion na ‘yun na kailangan kong galingan sa movie na ito at gagawin ko talaga ang lahat para sa karakter bilang Macky para sa kanila (bilang inspirasyon),” pahayag ng aktor.

Anu-anong mga trabaho ang ginawa niya sa immersion. “Nagtrabaho po ako sa karinderya, nag waiter po ako at dishwasher at janitor,” nakangiting sagot ng leading man ni Kira.

Baka Bet Mo: Kira Balinger idol na idol si Liza Soberano, bibida sa pelikula na gagawin sa Canada

Umamin naman si LA na never niyang nasubukan sa buong buhay ang mga ginawa niya sa immersion kahit pa sabihing may negosyo silang related din sa gagampanan niyang karakter.

“Sa totoo lang po na-enjoy ko (immersion) dahil sa mga kasama ko po. Opo mahirap ang trabaho nakakapagod, pero hindi mo mararamdaman dahil sa kabaitan ng mga nakasama ko saka sobrang humble po ng mga kasama ko ro’n.

“Sa totoo lang po mas kitang-kita ko ‘yung kabaitan nila kumpara sa mga mayayaman. Grabe po ang puso nila,” kuwento ng binata.

Bukod sa restaurant ay nasubukan din niyang maghiwalay ng mga diyaryo, bote, bakal at tanso sa junkshop.

“Nagtrabaho po ako sa junkshop, bodegero po, ako nakakapagod po. Yung mga bakal, karton pinaghihiwalay po namin saka kinakarga po namin sa truck,” sabi ni LA.

Hirit namin, marumi ang mga ito dahil sa basura ito kinukuha ng mga nangangalakal kaya tinanong namin kung gumamit siya ng gloves.

“Hindi po, naghuhugas naman ako lagi.  Hindi na po ako naga-gloves kasi ‘yung mga kasama ko rin hindi naga-gloves.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kira Balinger (@kira_balinger)


“Nakilala ko rin po sa junkshop ang iba’t ibang taong nagbebenta ng mga kalakal nila. Hinding-hindi ko po makakalimutan ‘yung pamilya na nangangalakal sila , nagdala sila junk nila tapos ‘yung nakuha nila 100 to 200 (pesos), grabe na ‘yung saya nila.

“Kaya nu’ng nakita ko ‘yung reaksyon nila grabe ang puso ko, grabe ang bigat na naramdaman ko.

“Marami kasing mga Pilipino na hindi nila deserve ‘yung buhay nila.  Ang daming genuine na tao na nangangalakal lang at walang kaya sa buhay, grabe ‘yung kasiyahan nila na ipinakita nila sa tao (sa akin),” nalungkot na sabi ng aktor.

At para maiba ang mood ay inalam namin kung ano pa ang ginagawa nila sa immersion, “Araw-araw po nag-MRT kami ni Kira papasok sa trabaho. Hindi ko po first time mag-MRT, pero first time kong sumakay papasok sa trabaho,” say ni LA.

Kaya sila sabay ni Kira ay dahil magkalapit ang pinapasukan nila na manggagaling sila sa ng Tomas Morato at bababa sa Guadalupe Station at sasakay pa sila ng traysikel.

Walang sumusunod na sasakyan with driver ang dalawa at isa rin sa dahilan kaya niya sinasabayan ang dalaga ay para protektahan na rin at hindi naman sila nakilala.

“Hindi po kasi ‘yung suot ko po ano (simple lang), pero si Kira po nakilala kasi maganda. At na-realize ko rin na ‘yung mga tao sa MRT walang pakialam kasi lahat sila gusto nang umuwi o kaya may trabaho na hinahabol,” kuwento ng binata.

Halimbawang hindi artista o pumasok sa showbiz si LA, alin sa mga nasubukan niyang sa immersion ang gusto niyang maging trabaho.

“Siguro po ‘yung sa restaurant kasi po healing siya sa akin na hindi ko na naiisip ‘yung iba-ibang problema ko sa buhay.  Saka pag nagta-trabaho po ako hugas lang ng plato. Habang naghuhugas hindi ko naiisip mga problema,” say ng aktor.

Kahit may kaya sa buhay ay inamin ni LA na silang magkakapatid ay tinuturuan sa gawaing bahay ng mama nila.

“Naghuhugas po ako ng plato sa bahay, tinutulungan ko si mommy, kunwari po may gathering kasing magkakapatid po talagang kami ang naglilinis. Ganu’n po kami pinalaki ni mommy, sa totoo lang hindi po talaga kami mayaman,” kuwento ni LA.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lonewolf Films PH (@lonewolffilmsph)


At dahil sa experience ni LA na maging waiter sa immersion ay marami siyang nakitang customers na nagsusungit sa mga staff ng restaurant na para sa kanya ay nakakalungkot.

“Dahil nga po ro’n kapag kumain ako sa restaurant ako na po nagliligpit ng kinainan ko, eh para sa kanila (waiters/waitress). Iba po ‘yung respeto ko sa kanila kasi ako personally nasubukan kong masungitan sa immersion.

“Mahirap din po sa kanila na masungitan kasi hindi sila puwedeng lumaban, hindi sila puwedeng sumagot o magsungit.  Hanga ako sa mga pasensya nila.

“Pero ako po never akong nagsungit sa waiters o waitresses, pero makalat akong kumain at natutunan ko na ako na magligpit kasi mahirap din sa kanila na maglinis ng table. Tapos maghuhugas pa ng plato.

“Hindi lang alam ng mga tao ang hirap na dinadaanan ng mga crew, waiters, janitor sa araw-araw po.  Kahit ‘yung simpleng ayusin nila ‘yung plano na kinainan nila, sobrang malaking bagay na po iyon sa kanila,” kuwento ni LA.

Nabanggit ding life changing ang experience ni LA sa pagpunta sa Canada bilang OFW pero since kasama niya si Kira excited siya kahit nasaan sila. Hindi rind aw sila maho-homesick dahil maraming Pinoy doon.

Anyway, pansin namin na inaalalayan nina LA at Kira ang isa’t isa pati sa interview ay nakabantay ang aktres.

Hmmmm, ano ba ang real score kina Kira and LA?

Ang “Maple Leaf Dreams” ay mula sa direksyon ni Benedict Mique under Lonewolf Productions and JRB Creatives.

Enchong kinailangan pang sumabak sa ‘immersion’ kasama ang mga PWD bago mag-invest sa Academy Of Rock

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

LA Santos hindi susukuan ang pangarap na ‘big break’ sa pag-aartista, unang sahod sa Star Music idinonate sa foundation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending