Kira Balinger, LA Santos bibida sa passion project ni Benedict Mique na 'Maple Leaf Dreams', gaganap na mga OFW sa Canada | Bandera

Kira Balinger, LA Santos bibida sa passion project ni Benedict Mique na ‘Maple Leaf Dreams’, gaganap na mga OFW sa Canada

Ervin Santiago - March 21, 2023 - 04:11 PM

Kira, Balinger, LA Santos bibida sa passion project ni Benedict Mique na 'Maple Leaf Dreams', gaganap na mga OFW sa Canada

Benedict Mique, Kira Balinger at LA Santos

ANG bongga pala ng bagong pelikula ng Lonewolf Films na “Maple Leaf Dreams” na pagbibidahan ng Kapamilya loveteam na sina Kira Balinger at LA Santos.

Nagkaroon ng special announcement kanina ang Lonewolf Films na pinangunahan ng may-ari nitong si Benedict Mique na siya ring magdidirek ng “Maple Leaf Dreams.”

This project is in cooperation with JRB Creative Production and Star Magic na kukunan pa sa isang lugar sa Canada, base na rin sa mga naging pahayag ni Direk Benedict.

Iikot ang kuwento ng “Maple Leaf Dreams” sa magdyowang Molly at Macky na makikipagsapalaran sa  Canada para mabigyan ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kira Balinger Updates ᥫ᭡ (@kirabalinger_updates)


Ayon kay Kira, in a way ay nakaka-relate siya sa karakter niyang si Molly dahil sa determinasyon nito at tapang na gawin ang lahat para sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Through this movie maipapakita po namin ‘yung mga OFW. Ang trabaho po nila, ‘yun lang ang nakikita ng mga tao.

“Pero with this movie, ipapapakita po namin yung struggles, what happens behind closed doors, ‘yung talagang struggle from the bottom and how you work your way up,” pahayag ng Kapamilya actress.

Baka Bet Mo: Teddy Corpuz umaming Mama’s Boy na maka-lola pa; LA Santos, Kira Balinger magdyowa na nga ba?

Para naman kay LA, siguradong maraming Pinoy ang makaka-relate sa movie nila ni Kira dahil napakarami nang kababayan natin ang mas piniling maging OFW kesa magtrabaho sa Pilipinas.

Inamin din niya na napaiyak siya nang ialok sa kanya ang pelikula na magsisilbing launching movie ng tambalan nila ni Kira na unang minahal at sinuportahan ng madlang pipol sa “Darna” ng ABS-CBN.

“Kabado at excited at the same time. Alam ko na maganda ang kakalabasan nito dahil si Direk Beni po ang bahala,” ani LA na hindi nga napigilan ang maging emosyonal sa presscon ng “Maple Leaf Dreams.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kira Balinger Updates ᥫ᭡ (@kirabalinger_updates)


Samantala, ayon naman kay Direk Benedict na isa sa mga naging direktor ng “Darna”, ipakikita ng bago niyang pelikula ang mga pagsubok, pagpupunyagi, diskriminasyon at tagumpay ng mga bayaning OFW

“Hindi lang yung pain of being away, of being alone ng mga OFW ang ilalahad natin dito but also how they keep their love alive,” sabi ni Direk Bene.

“This is actually a passion project for me because ang wife and son ko ay nandoon sa Canada. So it’s very personal also and I know a lot of you nahihirapan dito.

“Canada ang target not only for Filipinos here in the Philippines but also Filipinos from different parts of the world.

“May mga nagtatrabaho sa Dubai, Kuwait, instead of going back to the Philippines, they are applying for migration programs to go to Canada. So this is their story and we want to present it to you,” ang chika pa ng director-producer.

Ang “Maple Leaf Dreams” ay isinulat ng batambatang scriptwriter na si Hanna Cruz at kung wala nang magiging problema, magsisimula na ang shooting ng movie sa darating na April.

#SanaAll: Nina Cabrera nagpa-raffle ng additional paid leaves sa kanyang mga empleyado

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Direk Benedict Mique super excited na sa ‘dream project’ kasama sina Gina Alajar at Ricky Davao para sa ‘senior citizen romcom’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending