Edu Manzano wala nang balak mag-asawa

Edu Manzano wala nang balak mag-asawa, hiwalay na nga ba sila ni Cherry Pie Picache?

Reggee Bonoan |May 14,2023
facebook
share this

Edu Manzano wala nang balak mag-asawa, hiwalay na nga ba sila ni Cherry Pie Picache?

Reggee Bonoan - May 14, 2023 - 10:41 AM

Edu Manzano wala nang balak mag-asawa, hiwalay na nga ba sila ni Cherry Pie Picache?

PHOTO: Instagram/@realedumanzano

“Wag na! Ayaw ko na!” ito ang sagot ni Edu Manzano sa ex-wife niyang si Maricel Soriano matapos sabihing, “ang wish ko sa iyo ay maging happy ka, mag-anak ka ulit tapos mag-asawa ka, di ba?”

Sa part two ng vlog ni Maricel sa kanyang YouTube channel na may titulong “Ang Wish ko for Edu” ay napagkukuwentuhan ng ex-couple ang mga anak ng aktor na nagkanya-kanya na ng buhay.

Nabanggit diyan ang bunsong anak ni Edu na bukod tanging kasama nito sa bahay dahil ang TV host-actor na si Luis Manzano ay may pamilya na, habang si Enzo ay nasa ibang bansa para sa kanyang masteral at si Addie ay may sariling pad na.

Masayang ikinuwento ni Edu kay Marya ang tungkol sa una niyang apo kina Luis at Jessy Mendiola na si Baby Rosie Isabelle.

Sinabi niya na napakagandang bata ng kanyang apo kaya tuwang-tuwa ang lola rin nito na si Vilma Santos-Recto.

Baka Bet Mo: Edu ibinuking ang mga ‘sikreto’ ni Maricel tungkol sa mga balikbayan box: ‘Nakakaloka ka pa ring kausap!’

Nakangiting nakikinig naman si Maricel sa mga kuwento ni Doods at sinang-ayunan nitong, “ang ganda-ganda nu’ng baby (Rosie Isabelle).”

“Sa ngayon, nag-iisang apo ko,” sambit ni Edu.

Sey naman ng aktres, “’wag mong panalanging maging dalawa, tatlo, apat, lima..”

Chika pa ni Edu kay Marya, “Si Addie (nag-iisang anak na babae) wala pang balak, si Enzo wala pang asawa and of course, si Diego walang asawa.”

“Sana mabuhay ako para makita ko (magiging mga apo), long enough makita ko silang lahat settle down at happy sa buhay,” seryosong sabi ni Edu.

‘Yun din ang wish ko sa ‘yo!” sey kaagad ng aktres.

Tanong naman ni Edu, “bakit mukha ba akong hindi happy?”

“Bakit, sinabi ko ba?” taas kilay na sagot ni Marya.

“Yung tingin mo lang?” saad ng aktor.

“Hindi, gusto ko rin for you, ganyan magkaro’n ka ng anak ulit tapos mag-asawa ka, di ba?” wish ni Marya sa dating asawa.

Kaagad na sinagot ni Edu ng, “wag na! Ayaw ko na!”

Takang tanong ng aktres, “ayaw mo na?  Bakit?”

“I’m 67!” say naman ng aktor.

“So, what!” sabi ulit ni Maricel.

“Ang dati kong pangarap nu’ng si Addie was born sabi ko, ‘Lord just let me live long enough to dance with my daughter sa kanyang debut, ‘yun lang makasayaw ko lang ang anak ko,” kuwento ng aktor.

Ito rin daw ang dahilan para kumain siya ng healthy food para umabot sa debut ng anak at nagtabi na rin siya ng panggastos para sa engrandeng kaarawan nito na talagang hinintay niya sa loob ng labing walong taon.

“Excited na excited na ako no’n habang palapit na ‘yung araw, I felt nakapaghanda na ako ng maayos, reading-ready na ako. Ayun, nu’ng malapit na, sabi niya (Addie), ‘daddy puwede po kaming mag-Bora with my friends?  ‘Yun na lang ang 18th celebration (ko).

“Ang tagal kong hinanda ‘yung sarili ko, 18 years tapos ‘do’n (Bora) pala, kasama ang kanyang mga kaibigan.  Hindi kami nakapag-dance,” malungkot na kuwento ng aktor.

Pero wala naman siyang tampo o nabura naman daw dahil nakikita niya ito, lalo na’t magkasama sila sa bahay at, “I’m lucky because I have the one of the most wonderful daughter in the world kasi nag-iisa lang.”

“Kasi nag-iisa lang tapos lalaki-lalaki na,” sambit naman ni Maricel.

At base sa naging takbo nga ng usapan ay hindi na type pa ni Edu na mag-asawa ulit na ibig sabihin ay wala na nga sila ni Cherie Pie Picache dahil kung nasa relasyon pa sila ay hindi ganito ang isasagot niya dahil siyempre isasaalang-alang nito ang mararamdaman ng aktres.

Samantala, base rin sa kuwento naman ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” YouTube vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena ay inamin daw ng source niya na naghiwalay na dati sina Edu at Cherie Pie, pero nagkabalikan at ngayon ay hindi na sure kung sila pa.

Nag-ugat kasi ang isyung hiwalay na ang dalawa nang wala ng makitang bagong post sa kani-kanilang Instagram account na naging basehan na ng netizens para masabing break o hindi pa ang mga kilalang personalidad.

Bukas naman ang BANDERA sa panig nina Edu at Cherie Pie.

Related Chika:

Anak ni Cherry Pie botong-boto kay Edu: Tsaka malaki na si Mom, alam na niya ginagawa niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending