Edu Manzano, Cherry Pie Picache bet pang magka-baby: Ang ganda siguro ng anak natin | Bandera

Edu Manzano, Cherry Pie Picache bet pang magka-baby: Ang ganda siguro ng anak natin

Therese Arceo |February 16,2022
facebook
share this

Edu Manzano, Cherry Pie Picache bet pang magka-baby: Ang ganda siguro ng anak natin

Therese Arceo - February 16, 2022 - 10:40 PM

Edu Manzano, Cherry Pie Picache bet pang magka-baby: Ang ganda siguro ng anak natin

MULI na namang nagbigay kilig sa madlang pipol ang magkasintahang sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Sa part 2 vlog ng Q&A ng beteranang aktres sa kanyang TV host-actor dyowa ay muli nilang sinagot ang mga natitirang katanungan ng kanilang mga taga-suporta.

Isa nga sa mga naging tanong ng mga netizens ay kung balak pa ba nilang dalawa na magkaroon ng anak kung mapagbibigyan sila ng pagkakataon.

“Ako, hindi na. Nagpa-ligate na ako. Ayoko na. Nahihirapan ako eh. Lalo na ‘yung 8th month? Dun ako nahihirapan,” birong ni Edu na sumeryoso rin naman pagkatapos.

“Who wouldn’t want babies? Hindi ba? I’d love to have babies,” seryoso nang saad ni Edu.

Sinang-ayunan naman siya ni Cherry Pie sa kanyang sagot at sinabing kahit siya ay gusto pa rin niyang magkaanak lalo na at nag-iisa lang ang kanyang anak na si Nio.

“Lalo na ako! I only have one [child]. I mean ‘di ba, it would be nice? Siguro ang ganda ng anak natin nun!” sabi naman ng aktres.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache)

 

Amin pa ni Edu, isa sa mga rason kung bakit nais pa niyang nagkaroon ng anak at sana ay babae dahil pangarap niyang maisayaw ito kapag tumuntong na ito sa kanyang debut.

Nagkaroon naman ng anak na babae ang aktor, si Addie Manzano ngunit hindi raw kasi natupad ang kanyang pangarap na maisayaw ito noong ito’y mag-debut dahil na rin sa naging birthday wish ng anak.

“Gusto ko sana kasi iniisip ko minsan, yung pag naging 18, ang talagang gusto kong mangyari, gusto kong maisayaw yung anak ko sa kanyang debut,” saad ni Edu.

Kuwento pa niya, pinaghandaan niya ang moment na ‘yun ngunit hindi naman ito natuloy.

“Si Addie, hindi, naghanda ako. Nagpa-dancing lessons pa ako tapos biglang sinabi, ‘Daddy, yung gagastusin na lang sa party, pupunta na lang kami ng mga kaibigan ko sa Boracay.’ Pinaghandaan ko pa naman ito. Pinag-ipunan ko ito. Pero ang importante naman yung kaligayahan niya. Hindi yung akin. Yun ang pinaka-importante,” dagdag pa niya.

Nang pag-usapan naman ang tungkol sa kanilang relasyon at ano ang eapesyal sa kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot ni Edu, “We are not seeking anyone’s approval. Nothing to hide — we’re just being ourselves.”

 

Related Chika:
Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers
Cherry Pie kinilig sa bonggang surprise ni Edu: It was like in the movies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending