Cherry Pie kinilig sa bonggang surprise ni Edu: It was like in the movies | Bandera

Cherry Pie kinilig sa bonggang surprise ni Edu: It was like in the movies

Therese Arceo |February 09,2022
facebook
share this

Cherry Pie kinilig sa bonggang surprise ni Edu: It was like in the movies

Therese Arceo - February 09, 2022 - 05:54 PM

Cherry Pie kinilig sa bonggang surprise ni Edu: It was like in the movies

DAMANG-DAMA ang buwan ng pagmamahal sa latest vlog na inilabas ng aktres na si Cherry Pie Picache kasama ang kanyang boyfriend na si Edu Manzano.

Tila kinakabahan pa nga ang aktres sa kanyang gagawing interview dahil ang kanyang magiging first guest ay talagang napakagaling na host at sana raw ay huwag siya nitong “siraan” sa kanilang interview.

Super fun lang ang vibe ng dalawa habang pinapanood.

Nakakatuwa rin ang mindset ni Edu dahil aniya, tanggap daw niya at happy siyang pangalawa lang siya sa mga “love” ni Cherry Pie dahil alam niyang si Nio ang number 1.

Sa vlog ay sinagot ng dalawa ang sampung katanungan mula sa mga netizens.

Isa sa mga natanong ay kung ano ang pinaka nakakakilg na moment ni Cherry Pie kay Edu.

Kwento niya, nangyari ang unforgettable kilig moment niya with Edu ay nanngyari noong lumalabas labas pa lang sila at wala pang opisyal na relasyon.

“Most of the restaurants, sarado. There was this one errand that I really had to do in one place tapos sabi niya, ‘Can we see each other? What do you want to do?’ E lagi lang naman kami, when we go out to eat parang ganyan. Isa ‘yun sa super bonding namin.

“Dinala niya ako sa isang restaurant. Pagdating ko doon sa restaurant, sarado. Sarado ‘yung restaurant,” pagkukuwento ni Cherry Pie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache)

Ngunit dahil daw sa sobrang pagiging charming ni Edu at marahil kakilala niya ang mga nag-aasikaso ng restaurant ay nakagawa ito ng paraan para mabuksan ito.

“Pagpasok ko, grabe! Nakailaw lahat tapos may set up, may pagkain. Sabi ko, ‘Hmmmm’. I mean it’s very romantic. It was like in the movies,” kinikilig na kwento ni Cherry Pie.

Dagdag pa niya, “Nakakakilig ‘yun for a girl lalo na ako kasi hopeless romantic ako.”

Amin pa ni Cherry Pie, hanggang ngayon daw ay kinikilig pa rin siya sa tuwing maaalala niya ang surprise na ‘yun ni Edu.

Kuwento naman ng TV host-actor lagi raw siyang kinikilig sa kasintahan.

“Everything you do, kinikilig ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halatang halata naman ang pagiging genuine ni Edu kay Cherry kahit pa may mga panaka-naka itong kalokohan sa mga sagot nito.

Related Chika:
Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers
Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending