Cherry Pie, Christopher 'minukbang' ang isa't isa

Cherry Pie, Christopher ‘minukbang’ ang isa’t isa, tambalang MaMon trending

Therese Arceo - November 28, 2024 - 06:36 PM

Cherry Pie, Christopher 'minukbang' ang isa't isa, tambalang MaMon trending

USAP-USAPAN ngayon ang tila bagong kinakikiligang loveteam ng taon na sina Cherry Pie Picache at Christopher de Leon.

Ang dalawa ay parte ng Kapamilya action series na “Batang Quiapo” kung saan gumaganap sila bilang sina Marites at Ramon.

Viral ngayon sina Cherry Pie at Christopher matapos ang kanilang intense na eksena sa teleserye kung saan naghalikan at tila “minukbang” nila ang isa’t-isa.

Ang muling pagtatagpo ng landas ng kanilang karakter na sina Ramon (ama ni Tanggol) at Marites (ina ni Tanggol) at ang mainit nilang interaksyon ang nagdulot para mag-trending ang tambalang MaMon.

Baka Bet Mo: Cherry Pie proud na proud sa anak na nagtapos ng college: Yahoo!!!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Umani nga ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang tambalan nina Cherry at Christopher.

“Mag-like ang mga kinikilig kina Ramon at Marites. Marami na tayo,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Sobrang galing talaga ng mga beteranong artista tulad nina Cherry Pie at Christopher. May spark pa rin sila. Parang bumalik ang nakaraan.”

“OMG Team MaMon thumbs up!” sey naman ng isa.

Sabi naman ng isa, “Kahit matanda na ako, grabe pa rin ang kilig ko sa kanila!”

Abangan sa mga susunod pang episodes kung ano ang mangyayari sa samahang MaMon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending