4 pulis, 1 sibilyan timbog sa raid sa shabu lab sa Subic | Bandera

4 pulis, 1 sibilyan timbog sa raid sa shabu lab sa Subic

- January 16, 2021 - 09:00 AM

Arestado ang apat na pulis at isang sibilyan sa nadiskubreng clandestine laboratory na ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga sa Olongapo City, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga nahuling pulis na sina PLt Reynato Basa Jr., PCpl Gino dela Cruz, PCpl Edesyr Victor Alipio, at PCpl Godfrey Duclayan Parentela, ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police sa National Capitol Region (PNP CIDG-NCR)

Ang apat na pulis, na nahuli sa 336-B Finback Street, Kalayaan sa bahagi ng Subic Bay Freepor, ay nakatalaga sa Station 2 ng Olongapo City Police Office.

Nahuli naman si Jericho Dabu, residente ng Olongapo, matapos magbenta ng isang kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa isang poseur-buyer mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakumpiska  sa mga suspek ang 300 gramo ng hinihinalang shabu, ilang laboratory equipment at kemikal na ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga, apat na Glock 17 9mm pistols, limang cellphones, isang Honda Civic 1996 sedan na may plakang UKM 779, at ilang bundle ng boodle money na ginamit sa operasyon.

Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority’s Intelligence and Investigation Office, nagsimula ang surveillance dakong 2:00 ng hapon nitong Huwebes  habang pasado hating-gabi naman nang ituloy ang buy-bust operation matapos magbenta ng isang kilo si Dabu.

Base sa hindi pa kumpirmadong ulat mula sa hanay ng pulisya, isa umanong dayuhan ang namumuo sa sindikato sa likod ng illegal drugs operation.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng follow-up operations ang pulisya ukol sa nasabing impormasyon.

Samantala, sinabi naman ni SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma na suportado nila ang mga awtoridad sa mga hakbang para mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

“The SBMA will always support our law enforcement agencies in ridding our society of elements that degrade our decent and lawful way of life,” pahayag ni Eisma.

“Let us care for each other in this community. Let us know our neighbors and contribute all we can to keep Subic safe for everybody,” dagdag pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending