Ogie Diaz walang kiyemeng pinuna ang teleseryeng 'Linlang': Pwedeng syonggalin na yung subplot na nagkakagustuhan sina Anji at Kice? | Bandera

Ogie Diaz walang kiyemeng pinuna ang teleseryeng ‘Linlang’: Pwedeng syonggalin na yung subplot na nagkakagustuhan sina Anji at Kice?

Therese Arceo |October 15,2023
facebook
share this

Ogie Diaz walang kiyemeng pinuna ang teleseryeng ‘Linlang’: Pwedeng syonggalin na yung subplot na nagkakagustuhan sina Anji at Kice?

Therese Arceo - October 15, 2023 - 08:45 AM

Ogie Diaz walang kiyemeng pinuna ang teleseryeng 'Linlang': Pwedeng syonggalin na yung subplot na nagkakagustuhan sina Anji at Kice?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ant ibinahaging opinyon ng talent manager na si Ogie Diaz ukol sa teleseryeng “Linlang” na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM de Guzman.

Aminado ang talent manager na isa siya sa mga avod viewers ng naturang Kapamilya series at hindi nito napigilan ang magbigay opinyon at obserbasyon sa napapanood.

“Sa ‘Linlang,’ di ba pwedeng syonggalin na yung subplot na nagkakagustuhan sina Anji at Kice? Medyo pilit eh,” saad ni Ogie sa isa sa kanyang mga Instagram stories.

Pagpapatuloy niya, “Ang taas na ng kaba mo sa mga twists tapos bigla silang lalabas na parang wala namang chemistry o baka pwedeng sa ibang serye na lang sila magpakyut siguro.”

Agad na nag-viral ang screenshot ng IG story ni Ogie at kumalat na nga ito sa Facebook at X (dating Twitter).

Umani ng iba’t-ibang uri ng reaksyon mula sa madlang pipol ang naturang opinyon ng talent manager.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz dinepensahan si Joshua Garcia matapos akusahang ‘red flag’ ng netizens: Mabilis lang siyang nakahanap

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang ilan ay agree kay Ogie habang ang iba naman ay iniisip na masyadong harsh ang dating nito lalo na’t nagsisimula pa lang sa pag-arte sina Anji at Kice.

“Aware ka naman siguro na once you posted that susugurin yung dalawa? you’re a manager, right? aren’t you ashamed? just a little reminder, diyan din nagsimula mga artists na hinahandle mo @ogiediaz,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “As a manager, dapat ikaw Mr. Ogie Diaz ang mas nakauunawa sa mga baguhang kagaya ni anji, diba? at dapat alam mo na napakalaki ng impact nito para mag self-doubt yung mga new artist na binigyan mo ng subjective criticism.”

“Grabe sa medyo pilit at walang chemistry, gets namin na nabitin yung kaba mo ,pero baka maumay naman viewers na puro intense at inis ang maramdaman, bigyan mo ng pgkakataon yung mga bata,” sey naman ng isa.

Wala pa namang panibagong pahayag si Ogie ukol sa kanyang viral IG story.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Kim natakot sa pakikipag-love scene kina Paulo at JM sa ‘Linlang’: ‘Hindi ko naisip na gagawin ko siya in my whole acting career’

Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending