Sarah Lahbati may third party raw sa 'break up' nila ni Richard?

Sarah Lahbati may third party raw sa ‘break up’ nila ni Richard Gutierrez?

Therese Arceo |December 20,2023
facebook
share this

Sarah Lahbati may third party raw sa ‘break up’ nila ni Richard Gutierrez?

Therese Arceo - December 20, 2023 - 04:44 PM

Sarah Lahbati may third party raw sa 'break up' nila ni Richard Gutierrez?
GAANO katotoo ang mga kumakalat na chika ukol sa diumano’y hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati?

Sa isa kasi sa mga episodes ng “Ogie Diaz Showbiz Update” ay isa sa mga naging topic niya ang mag-asawa.

Ayon kasi sa source ng talent manager at vlogger, unfair daw para kay Richard na siya ang nagmumukhang masama base sa mga kumakalat na balita ukol sa kanila ni Sarah.

Noon kasi ay may mga kumalat na larawan kung saan inili-link siya sa Kapuso actress na si Kazel Kinouchi na wala namang katotohanan.

“Parang unfair naman daw kay Richard na parang sinasabi ng mga balita na siya’y nambubugbog, na siya’y nananakit ng asawa, at siya ang may third party.

“E ang sabi ng aking source, ay magkapitbahay ang dalawa at ang mga shot nila na kuha sa trick or treat,” lahad ni Ogie.

Baka Bet Mo: Tatay ni Sarah Lahbati tinira ang nagbabayad para magpakalat ng fake news

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Aniya, family friend daw ito nila Richard.

Dagdag pa niya, “Kung totoong binubugbog si Sarah, dapat yan nagreklamo na ng VAWC o Violence Against Women and Children. Bakit wala siyang kibo? Pero hindi natin alam doon sa panig ni Sarah, baka hinahanda na nila kung meron man.”

Sinabi rin ni Ogie na walang katotohanan na may third party si Richard.

Sinabi pa nitong hindi lalaki ang involved.

“Noong una ang sinasabi ng iba si Richard daw may third party, tapos ngayon naman ang sinasabi ng aking source, si Sarah Lahbati raw ang may third party,” lahad ni Ogie.

Nanawagan rin si Ogie sa aktres na maaari nitong sagutin kung totoo ba ang sinabi ng source ni Sarah na siya ang may third party.

Baka Bet Mo: Kazel Kinouchi ayaw tantanan ng mga ‘Marites’ tungkol kay Richard Gutierrez: Wala kayong juice na makukuha from me

Bukod pa rito, nakarating rin kay Ogie na ang inaayos raw nina Richard at Sarah ang kanilang annulment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala pa namang tugon o pahayag ng mga nasasangkot ukol sa isyung kinahaharap.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw nina Sarah at Richard hinggil rito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending