Sarah Lahbati, Richard Gutierrez 'OK' ang relationship status

Sarah Lahbati sa ‘relationship status’ nila ni Richard Gutierrez: ‘We’re OK’

Pauline del Rosario |January 21,2024
facebook
share this

Sarah Lahbati sa ‘relationship status’ nila ni Richard Gutierrez: ‘We’re OK’

Pauline del Rosario - January 21, 2024 - 11:33 AM

Sarah Lahbati sa ‘relationship status’ nila ni Richard Gutierrez: 'We’re OK'

PHOTO: Instagram/@sarahlahbati

NAGSALITA na ang model-actress na si Sarah Lahbati patungkol sa kasalukuyang relationship status nila ng mister na si Richard Gutierrez.

Sa isang recent interview with Cosmopolitan PH, sinabi ni Sarah na okay silang dalawa ni Richard at siya raw ay “happy and grateful.”

“We’re okay,” sagot ng aktres nang tanungin sa sitwasyon nila ng asawa.

Sey pa niya, “I’m holding up pretty well. I’m happy. Again, I’m grateful. There’s nothing more to say than I’m really feeling blessed. And it’s a good time to just work on myself.”

Magugunita na matagal-tagal na ring pinag-uusapan ang celebrity couple matapos lumabas ang chismis na hiwalay na sila.

Matatandaan din na ang ina ni Richard na si Annabelle Rama ang unang nagbunyag na nakatira sa kanya ang anak at pinatamaan pa si Sarah bilang magastos.

At speaking of being gastusera umano ng aktres, nagbigay ng pahayag si Sarah na kung saan iginiit niya na mas magandang magkaroon ng sariling pera ang mga kababaihan, lalo na ang mga may asawa.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati nakatanggap ng P10-M kaya nakabili ng bagong bahay, true kaya?

“I think when you work hard for your own money, you don’t owe anyone any explanation,” sambit niya.

Patuloy niya, “You work so hard to do what? To explain yourself? No. If you have a job and you work so hard, then you don’t have to explain yourself to anyone.”

“Just do your thing, whatever it is that you want to do,” ani pa niya.

Kung maaalala, Disyembre ng nakaraang taon nang inamin ng ina ni Sarah na co-parenting ngayon ang dalawa sa mga anak nila na sina Zion at Kai.

Recently lang din nang mapabalitang inunfollow ng couple ang isa’t-isa sa Instagram.

Kasunod niyan ay ibinandera ni Sarah ang bagong bahay na kanyang titirhan.

Sa kabila ng hindi pagkumpirma ng kanilang hiwalayan, ang naging pahayag ni Sarah ay isang patunay na maayos naman ang sitwasyon nila ni Richard.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan lang ay madalas makita sa social media na nakakasama nila ang kanilang mga anak nang magkahiwalay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending