Sarah nakatanggap ng P10-M kaya nakabili ng bagong bahay

Sarah Lahbati nakatanggap ng P10-M kaya nakabili ng bagong bahay, true kaya?

Reggee Bonoan |January 12,2024
facebook
share this

Sarah Lahbati nakatanggap ng P10-M kaya nakabili ng bagong bahay, true kaya?

Reggee Bonoan - January 12, 2024 - 08:20 PM

Sarah Lahbati nakatanggap ng P10-M kaya nakabili ng bagong bahay, true kaya?

PHOTO: Instagram/@sarahlahbati

TRULILI kayang nakatanggap na umano ng downpayment na nagkakahalaga ng P10 million ang nagbabalik showbiz na si Sarah Lahbati mula sa Viva Films kaya may pinang-down siya sa malaking bahay na nilipatan?

Viral sa social media ang post ni Sarah ang paglipat niya sa malaki at magandang bahay na ang caption ay, “switching up the mood for 2024.”

At naghahanap siya ng interior designer para sa bagong tirahan, “looking for an interior designer i can work with. Thank you, asiantigersgroup for efficiently helping with moving.”

Baka Bet Mo: Sarah, Richard ‘co-parenting’ sa 2 anak, sey ni Esther Lahbati

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati)

“Proud of you. You got this!” komento naman ng kaibigan ni Sarah na si Sofia Andres.

Sabi naman ng netizen na si marieemyespine, “sofia andres, epitome of BEST friend.”

Maging si Ellen Adarna ay napa, “yaayy.”

Sey naman ni Chie Filomeno, “You got this love.”

“High ceiling nice!” sabi naman ni Dyan Castillejo.

Marami pang showbiz at non-showbiz ang nagpakita pumuri at nagpakita ng suporta kay Sarah.

Going back sa magandang bahay ay marami ang haka-hakang paano na-afford ni Sarah ang presyo nito at sino ang magbabayad kada buwan.

Hayun nga, chismis ng aming source, “nagbigay si boss Vic (del Rosario) ng sampung milyon bilang down payment sa mga project na gagawin ni Sarah sa Viva.  Kaya hayan may pinag-down na si Sarah. Regarding sa monthly amortization, e, baka naman magbibigay si Richard (Gutierrez) bilang sustento rin para sa mga anak.”

Habang kausap namin ang aming source ay aalamin daw niya kung ilang pelikula ang gagawin ni Sarah sa Viva Films para makatanggap ng malaking downpayment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

E, malaki siguro ang talent fee ng estranged wife ni Richard kaya.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig nina Sarah Lahbati at boss Vic tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending