Sarah Lahbati hindi totoong waldas: I'm good at finances

Sarah Lahbati hindi totoong waldas: I’m good at finances

Therese Arceo - February 29, 2024 - 06:47 AM

Sarah Lahbati hindi totoong waldas: I'm good at finances

AMINADO ang aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati na natatawa na lamang siya sa naging bansag sa kanya na “Patron Saint ng mga Waldas“.

Sa kanyang interview kay MJ Marfori, naibahagi niya na hindi ito totoo at kabaligtaran talaga siya ng pagiging waldas.

“Natutuwa ako sa lahat ng tumatawag sa akin na Patron Saint of Waldas. As in natatawa ako,” pagbabahagi ni Sarah.

Chika pa niya, “Everyday may comment about it so sinakyan ko nang konti naman.”

Pero sa totoong buhay raw ay talagang magaling sa pag-iipon ng pera si Sarah.

Sa katunayan, maayos niyang nama-manage ang kanyang finances para matugunan o matustusan ang pangangailangan niya at ng kanyang pamilya.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati wala nang komunikasyon kay Richard Gutierrez

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“In reality, Im very proud to say that I’m good at saving, I’m good at finances I’m working hard to provide for my children and for myself and for my parents,” sey ni Sarah.

Matatandaang nagsimula ang bansag sa aktres bilang waldas matapos maglabas ng pahayag ang kanyang biyenan na si Annabelle Rama sa isang interview kung totoo nga bang “waldas” ang kanyang manugang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahayag ng biyenan ni Sarah, “Nakikita mo naman ‘di ba? Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan.

“Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan.”

Kaya naman imbes na mapikon o pabulaanan ito, sinakyan na lamang ni Sarah ang mga komento ng netizens kaya nga mas nakilala na siya bilang “Waldas Queen” at “Patron Saint ng mga Waldas”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending