Hirit ni Sarah Lahbati: To everyone who wants to ‘waldas,’ go ahead! Amen!
TANGGAP na tanggap na ng aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati ang kanyang titulo at korona bilang “Waldas Queen.”
“Unbothered” at wapakels lang si Sarah sa patuloy na pamba-bash at pangnenega sa kanya ng mga netizens na nagsimula nang magkahiwalay sila ni Richard Gutierrez.
Super laugh lang ang aktres sa mga nababasa at naririnig niyang comments tungkol sa umano’y pagwawaldas niya ng pera at paggastos niya nang bonggang-bongga nitong mga nagdaang araw
May sinabi pa nga siya sa isang report tungkol sa bansag sa kanya bilang “Waldas Queen” at “Patron Saint Of Waldas”. Hirit daw ni Sarah, “For Once Not Fake News.”
Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?
Pinagtatawanan na lang daw ng aktres ang mga ganitong hate messages sa social media dahil alam naman daw niya ang totoo pagdating sa pag-handle niya ng kanyang finances.
View this post on Instagram
“I think it’s funny. Yeah, it’s just something I laugh about. I don’t take anything seriously. That’s another secret to be happy.
“If not, I will be going crazy. It’s just a funny, funny thing that’s been going around,” ang pahayag ni Sarah sa isang interview.
Baka Bet Mo: Sarah enjoy sa pagiging nanay: Motherhood has changed me for the best!
May hirit pa siya sa isang ulat ng ABS-CBN about her “Waldas Queen” title, “To everyone who wants to ‘Waldas,’ go ahead. Amen!”
Nagsimula ang isyu tungkol sa pagwawaldas daw ng pera ni Sarah nang ibuking ni Annabelle Rama na gastos daw nang gastos ang aktres habang nagpapakamatay sa pagtatrabaho ang kanyang anak na si Richard Gutierrez.
“Mahirap sa kanya kasi unang-una, trabaho siya nang trabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho. Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam bakit nagkaroon ng gulo. Mag-antay na lang kayo kasi malalaman n’yo rin. Not now,” sabi ng ina ni Richard.
“Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan,” dugtong pa ni Annabelle Rama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.