Gretchen, Atong Ang spotted sa GH habang bumibili ng cellphone

Gretchen, Atong Ang spotted sa Greenhills habang bumibili ng cellphone

Ervin Santiago |January 21,2024
facebook
share this

Gretchen, Atong Ang spotted sa Greenhills habang bumibili ng cellphone

Ervin Santiago - January 21, 2024 - 11:05 AM

Gretchen, Atong Ang spotted sa Greenhills habang bumibili ng cellphone

Gretchen Barretto at Atong Ang

SPOTTED ang aktres na si Gretchen Barretto kasama ang negosyanteng si Atong Ang habang bumibili ng cellphone sa Greenhills, San Juan City.

Ikinaloka ito ng mga netizens dahil hindi nila akalain na nagpupunta rin pala sa mga mall sa Greenhills si Gretchen para doon mamili ng cellphone.

Base sa isang video na napanood namin sa TikTok na in-upload ng isang @lalabz894, makikita ang sisteraka ni Claudine na nakatayo sa harap ng isang tindahan ng mga cellphone.

Very casual lang ang OOTD ni Greta – nakasuot siya ng white tank top, denim pants at sunglasses with matching green bag.

Baka Bet Mo: Gretchen, Atong Ang magkasama sa sabungan; inintriga ng mga netizens

Makikita naman si Atong Ang sa di kalayuan habang tumitingin ng mga cellphone na naka-display sa isang stall doon.

Aware naman ang aktres na may nagbi-video sa kanya dahil nag-smile at kumaway pa nga siya sa babaeng kumukuha sa kanya.

“Ganda naman ni maam Gretchen Barretto,” ang comment ni @lalabz894 sa naturang video kalakip ang smiling emoji. Siya rin ang nag-confirm na bumili nga ng iPhone sina Greta at Atong Ang sa Greenhills Mall.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gretchen Barretto (Fan Page) (@gretchenbarrettothequeen)


Narito ang ilang comments na nabasa namin mula sa mga netizens na hindi makapaniwala na ang isang super rich na celebrity ay buma-buy ng cellphone sa mga tindahan sa Greenhills.

“Tumawad ba siya sa price?”

“Nag pa tempered ba c madam?”

“Ganda pa rin talaga ni Greta.”

Baka Bet Mo: Rendon Labador ‘umiyak’ sa socmed, ticket sa grand opening ng negosyo nilangaw: Wala sanang personalan

“Support local. Kahit sa Greenhills, legit ang phone jan. Basta nasa tamang store ka.”

“Ang mga self made rich chinese, alam ang value ng pera nila kaya may pagka kuripot. Yung mga naka asawa ng rich tulad ni greta, yan mga taga waldas. Lol.”
“Sana all maganda at looking young pa rin.”

“At sya ang pinaka sexy mag suot ng jeans.”

May isa namang netizen ang sumagot sa mga nagsasabing magka-date sina Greta at Atong Ang sa Greenhills, “Di lng kc nakikita pero madami yan sila kasama hindi lng silang dalawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, may mga nagkomento rin na kamukha raw pala ni Gretchen ang “Gone Girl” actress na si Rosamund Pike at ang “Wonder Woman” star na si Gal Gadot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending