Sarah Lahbati pinanindigan ang pagtawag sa kanyang 'gastusera'

Sarah Lahbati pinanindigan ang pagtawag sa kanyang ‘gastusera’

Therese Arceo |January 27,2024
facebook
share this

Sarah Lahbati pinanindigan ang pagtawag sa kanyang ‘gastusera’

Therese Arceo - January 27, 2024 - 10:33 PM

Sarah Lahbati pinanindigan ang pagtawag sa kanyang 'gastusera'

TALAGANG pinangatawanan na ng aktres na si Sarah Lahbati ang mga ibinansag sa kanya na “waldasera” at “gastusera”.

Sa katunayan, ibinandera pa nga ng aktres ang isang photocard sa kanyang Instagram story na may kinalaman sa paggastos.

“Ang sama ng pakiramdam ko. Feel ko kailangan kong gumastos,” pagbabahagi ni Sarah.

Matatandaang nagsimula ang pagtawag sa kanya na “waldasera” ng celebroty mom matapos magbigay komento ang kanyang mother-in-law na si Annabelle Rama hinggil sa isyung panay raw ang kanyang paggastos.

“Nakikita mo naman ‘di ba? Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan,” sey ni Annabelle.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati nangako sa mga anak: Will do anything for you and Kai

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa halip na pabulaanan ang ibinabatong isyu ay sinakyan pa nga ito ni Sarah at pinanindigan na magastos siya.

Naging panay rin nga ang pag-post nito mg kanyang mga nabiling gamit pati na rin kanyang mga naging travels.

Nag-post nga rin si Sarah sa kanyang Tiktok account ng video na may caption na “Who wants to go shopping with me?”

At dahil nga tila unbothered ang aktres sa isyu ay timagurian rin siyang “Patron Saint of Shopping”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending