Sarah Lahbati wala nang komunikasyon kay Richard Gutierrez
INAMIN ng aktres na si Sarah Lahbati na hindi na sila nagkakausap ng asawang si Richard Gutierrez.
Sa naging panayam ni MJ Marfori sa aktres na ipinalabas sa “Frontline Pilipinas” nausisa ito ukol sa estado ng kanilang pamilya.
Bagamat walang doretsahang pag-amin si Sarah kung totoo bang hiwalay na sila ni Richard pero inamin nitong hindi na sila nagsasama at co-parenting na ang kanilang set up sa pag-aalaga sa mga anak na sina Zion at Kai.
“It’s not easy on any child but I’m here for them. And they are better,” saad ng aktres.
Nang tanungin kung kumusta ang sitwasyon nilang pamilya, mas nag-focus ang sagot ni Sarah ukol sa mga bata.
“Well of course, it is not ideal to children. Let’s go back to the kids. But that’s life and they’ll be fine,” sagot nito.
Baka Bet Mo: Hirit ni Sarah Lahbati: To everyone who wants to ‘waldas,’ go ahead! Amen!
View this post on Instagram
Kinumpirma naman niya na sa kasalukuyan ay hindi na sila nag-uusap ni Richard.
Sa kabila nito ay priority raw nina Sarah at Richard ang kanilang mga anak at ito ang una sa mga desisyon na gagawin nila.
“We’re good at parenting. And we are there for the kids. That’s all I’m gonna say,” lahad ng aktres.
Samantala, inamin rin ni Sarah na nakapag-adjust na siya sa sitwasyon at malaking tulong na kasama niya ang kanyang mga magulang.
Bukod pa rito, thankful rin daw ito sa kanyang girl friends na sina Sofia Andres ag Kyline Alcantara.
“We to take things lightly or else puputi ang buhok natin at hindi tayo magiging happy,” share ni Sarah.
Matatandaang December 2023 nang lumabas ang iba’t ibang balita na umano’y hiwalay na sila ni Richard.
Mas lalo pang umugong ang balita matapos magbigay ng pahayag ni Annabelle Rama ukol sa estado ng relasyon nina Sarah at Richard.
Samantala, wala pa ring diretsang kumpirmasyon kung talagang hiwalay na sila mula sa kampo ng dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.