Richard Gutierrez tuloy na ang pagsasampa ng child custody

Richard Gutierrez tuloy na ang pagsasampa ng child custody

Reggee Bonoan |February 23,2024
facebook
share this

Richard Gutierrez tuloy na ang pagsasampa ng child custody

Reggee Bonoan - February 23, 2024 - 02:07 PM

Richard Gutierrez tuloy na ang pagsasampa ng child custody

FINAL na ang desisyon ni Richard Gutierrez na mag-file na ng child custody para makasama ang anak nina ni Sarah Lahbati na sina Zion at Kai.

Ito ang topic nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa “Showbiz Now Na” vlog nila na in-upload kahapon sa YouTube channel.

Bungad ni ‘nay Cristy, “Kalat na po ang kuwentong ito at nakarating din po sa amin, na mukhang magkakatuluyan na po ang pagsasampa ng reklamo o kaso ni Richard Gutierrez para sa child custody.”

Singit ni Romel Chika, “Sabagay mas Maganda na rin ito na ilagay sa papel lahat para legal.”

“Oo, malinaw (at) maaaring ‘yung annulment po siguro ay mapapahuli pa dahil may kumokontra sa panig ni Richard ‘di ba. Pero ‘yung sa child custody, maganda na rin naman ‘yun. Kung sa kanyang palagay at kanyang pagtimpla ay hindi masyadong nabibigyan ni Sarah Lahbati ng atensiyon ang kanilang mga anak, mas maganda kung nasa kanya, hindi ba?” saad pa ni nanay Cristy.

Kung may kumokontra sa panig ng Kapamilya actor ay iisa lang ang ibig sabihin ayaw ng taong ito na may makuha si Sarah na propriedad?

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez excited na sa bagong project: ‘Fresh start…new chapter’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Going back to child custody ay may usapan na ang mag-asawa na tig isang linggo nilang makakasama ang kanilang mga anak.

Sabi nga ng SNN host, “sa ngayon ay may usapan na silang isang linggo sa iyo at isang linggo sa akin pero ‘yung child custody kasi ay maga-apply ‘yan kapag naipanalo ni Richard na nasa kanya ang dalawa nilang anak (ni Sarsh). Pero kung pupuwedeng dumalaw si Sarah Lahbati kahit sa tirahan nilang mag-aama kaya lamang make sure na wala si Richard pag pumunta si Sarah.”

“Ay maganda pa rin para may peace of mind ang lahat,” giit naman ni Romel Chika.

Dagdag pa ni ‘nay Cristy, “at saka kung ganyan naman talaga sobrang mapagmahal naman talaga ni Richard at nina Tita Annabelle (Rama) at kung sa palagay nila ay mabibigyan nila ng kaukulang atensyon at pag-aalaga ang mga bata, why not?”

Sa pagkakatanda namin kaya humantong sa pagpa-file ng child custody si Richard ay dahil nakarating umano sa kanya na tila hindi nakapapasok sa eskuwelahan ang magkapatid na Xion at Kai kapag may trabaho ang mommy Sarah nila dahil walang mag-aasikaso.

“Si Richard kasi kahit may trabaho maraming mag-aalaga, kinukuha niya talaga ng mga yaya ‘yung mga bata. Kaya ‘yung mga bata naman (ay) nakikita naman talaga natin na kapag nasa pamilya Gutierrez sila ay masasaya, maayos (at) walang reklamo,” kuwento ni ‘nay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sa kabila ng mga pinagdadaanan ng aktor tungkol sa married life niya ay may magandang kapalit sa karera niya base sa post niya kahapon sa kanyang Instagram account na may bago siyang proyekto sa Kapamilya network.

Caption ng larawan ni Richard habang nakatalikod na tila nakikinig sa pitch at larawang kasama sina Ms Cory Vidanes, COO ng ABS-CBN at Direk Laurenti Dyogi, Star Magic head at TV Production head.

Aniya, “New beginnings. Fresh start. Excited for this new chapter with my @abscbn family and thankful for their continued support. Looking forward to sharing more with you in the near future.
Glory to the most High.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending