Barbie Imperial ibinandera ang ‘boyfriend’, sino nga ba?
PROUD na ibinandera mg Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang kanyang “boyfriend”.
Sa latest post ng dalaga sa kanyang Facebook page ay ibinahahi niya ang isang video kung saan kasama niya ang sinasabing kasintahan.
“Jowa reveal,” saad ni Barbie sa caption ng post.
Ang lalaking kasama ng aktres sa video ay ang katrabaho niya sa “Batang Quiapo” na si Baby Giant.
Baka Bet Mo: Barbie Imperial wasak ang puso sa paghagupit ng bagyo sa Bicol
View this post on Instagram
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang post ni Barbie.
“Ang cute namn nang boyfriend mo,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Hayahaya uy naka Barbie man si babu Giant.”
Hirit naman ng isa, “Naol, dapat with kiss para maniwala kami [laughing emoji].”
Pero paniguradong nagkakabiruan lang sina Barbie at Baby Giant at forda content lang sa TikTok ang dalawa.
May isa namang netizen na nagtanong kung may relasyon ba sila ng Kapamilya actor na si Richard Gutierrez.
Matatandaang matagal nang nauugnay si Barbie kay Richard.
Bagamat ilang beses nang namamataang magkasama ang dalawa, gaya nang magpunta ang mga ito sa South Korea at ang pagiging present ng pamilya ni Richard sa kaarawan ng dalaga, wala namang inilalabas na direktang pag-amin ang mga ito patungkol sa namamagitan sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.