Barbie Imperial wasak ang puso sa paghagupit ng bagyo sa Bicol

Barbie Imperial wasak ang puso sa paghagupit ng bagyo sa Bicol

Therese Arceo - October 24, 2024 - 06:10 PM

Barbie Imperial wasak ang puso sa paghagupit ng bagyo sa Bicol

HINDI mapigilan ng aktres na si Barbie Imperial ang maging malungkot dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng kanyang mga kababayan sa Bicol.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya kung gaano siya kaapektado sa ginagawang pananalasa ng bagyong Kristine sa naturang lugar.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial inalis sa ‘Batang Quiapo’ fake news; mga bagong karakter ibinunyag

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Nakakalungkot isipin ang pinsalang dulot ng #BagyongKristine. Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan at kailangan nila ang ating tulong,” saad ni Barbie.

Hinikayat rin niya ang madlang pipol na magpaabot ng anumang tulong para sa mga tao at pamilyang naapektuhan ng hagupit ng bagyo.

“Sama-sama tayong bumangon. Mahal kong Bicol, andito po ako para sainyo #BangonBicol #BangonOragon 🙏🏻❤️,” dagdag pa ni Barbie.

Makikita rin sa kanyang post ang call for donation artcards kung paano makakapagpaabot ng tulong at iba’t ibang larawan ng mga naapektuhan ng bagyo.

Para sa mga hindi aware, bago sumikat si Barbie ay nagmula ito sa Bicol.

Bago pa man ang pananalasa ng bagyong Kristine ay nag-post ang aktres ng kanyang pananatili sa Bicol.

Marami na rin naman sa mga celebrities ang nanawagan at nag–paabot ng kanilang tulong para sa lahat ng mga nasalantang pamilya at indibiduwal sa Bicol dahil sa bagyong Kristine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending